Uri ng relasyon
Long Distance Relationship
Ito ang relasyon na ang magkasintahan ay maaring nagkasama na pero nagkalayo sa isat-isa.
Pwede rin nating sabihin na pumasok sila sa isang relasyon na malayo sila, kahit na hindi pa sila nag kikita.
Kailangan ng malakas na pagtitiwala para magtagal at maging masaya sa relasyong ito.
Masasabing ang advantage nito sa Short Distance Relationship ay yung kilig at excitement kapag magkikita kayo.
Short Distance Relationship
Ito naman ang most common sa relasyon, syempre dapat naman talagang magkasama ang mga taong magmamahalan.
Ang advantage nito sa Long Distance Relationship eh yung lagi silang magkasama, sa oras na gusto nilang magkita makakapagkita sila.
Minsan nakakapagtaka na may mga taong magkakasama sa mall, pero alam mo sa kanilang mga mukha na may mali, alam nating magkagalit o may tampuhan sila, kung alam lang sana nila ang pakiramdam ng mga taong nasa LDR, Hindi sana sila magiging ganun.
Pwede rin namang excited tuwing sila tuwing magkikita, pero hindi kaya agad magkasawaan? Hindi natin alam.. Dalawang taong nasa relasyon lang ang makakasagot nito.
Internet Relationship.
Tipong sa internet kayo nagkakilala, pero hindi pa kayo nagkikita, maaring maging bunga ito ng LDR o SDR relationship sa oras na makilala mo pa lalo ito. Mahirap din ang gantong relasyon, Dahil baka nalilinlang kalang sa mga sinasabi niya, may likas na magaling lang siyang magsalita, may likas na appeal lang kaya ka na aattract sa kanya. Madalas ang internet relationship ay ang pagtingin sa itsura ng tao dito.
May mga taong nabibiktima ng posers, dahil nga sa maganda ang itsura papatulan na niya ito, dahil alam niyang baka magkita rin sila sa tamang panahon.
Penpal Relationship
Nabura na ata ito sa lipunan, kung maalala mo ang penpal relationship na ito, ito yung nag papadala ng liham at ang susunod mong liham na matatangap ay sa isang linggo na. Nakakatuwa na nagagawang magmahalan ng tao dati, dahil wala pang ganoong teknolohiya dati, wala pang internet, wala pang telepono,wala pang unli, wala pang mumurahing cellphone.
Nakakapagtaka ngayon na sa dami ng teknolohiya para magkaroon ng komunikasyon ang dalawang taong nagmamahalan eh nagagawa pa rin nitong mga ito hindi mag text kapag nag-aaway. Nakakalungkot na taken for granted na lahat ng nangyayari ngayon sa mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento