Sabado, Marso 12, 2011

May mga taong benefit lang ang habol sa relasyon.

Makikipagrelasyon sa  kanya kapag may kotse - matinding benefit to. Siguro sa babae madalas to. Dahil bibihira mag drive ang babae. At karamihan nito ay lalake. Kaya nga may kasabihang ” Kapag may auto ka. Kahit sinong babae kaya mong pasagutin “. Siguro ito ang benefit na iwas hassle sumakay kasi ihahatid ka. Makakagala ka. Nang walang ginagastang pera.
Makikipagrelasyon kasi alam na may pera ka - Pera nga naman. Nagagawa nga naman nang pera. Alam niyang may makukuha siya sayo. Ito ang mga taong ” GOLD DIGGERS” onting lambing. Papabili ng ganito. Papabili ng ganyan. Walang natapos na bilihan. Ano pa ba ang iba?
  • Magpapalibre ng sine.
  • Magpapalibre sa restaurant na hindi mo pa nakakainan. 
  • Magpabili ng stufftoy.
  • Magparegalo ng alahas
  • Manghingi ng load.
Doon mo masasabing sinong may sabi na hindi mabibili ng pera ang pag-ibig?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento