Martes, Marso 29, 2011

Hindi mo maipaliwanag yung nararamdaman mo pag katabi mo yung taong mahal mo.

Dahil kakaiba ang saya. Kakaiba ang ngiti kapag katabi siya.
Lalo na hawak mo ang kamay niya? O kaya naman nakayakap siya sayo habang naguusap kayo? Grabe lang, iba ang dalang kasiyahan ng pagmamahal. Para bang lahat kaya mong gawin, lahat kaya mong puntahan, lahat kaya mong subukan, basta kasama mo siyang gagawa ng mga bagay na ito. 
Sa oras na masaya ka halos kaya mong ipangako lahat, pero mag ingat ka, baka pangako ka ng pangako, hindi ka pala sigurado sa sinasabi mo, dapat sa oras na masaya tayo maging sarili lang natin tayo. Dahil kapag nagbitaw ka ng salita habang masaya ka, hindi mo maiiisip na sinabi mo pala yon sa oras na iniwan ka na.
Magmahal ng tapat, magmahal ng sapat, kahit huwag na sobra, ang lahat ng umaapaw nasasayang. Kung hanggang doon lang ang tingin niya sayo. Hanggang doon na lang talaga. Pero nasasayo yun. Ikaw ang nagmamahal e.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento