Kapag ang dalawang taong negative ang nagsama. Jusko walang mangyayari sa inyo. Kailangan lagi kayong positive pareho. Ok na yung may isang negative. Basta malakas manghatak tong si positive. Dahil iba ang may kasama kang maganda ang pananaw sa buhay. Madadala ka niya bilang isang tao. Pwede ka niya maging inspirasyon. Kapag nabago mo ang negative side ng tao na yun.
Napakaswerte mo. Nagbago siya dahil sayo. Huwag ka agad susuko dahil masama ang ugali niya. Pinili mo yan. Mahal mo yan.
Sabi nga hindi mo pa lubos na makikilala ang tao kapag hindi pa nagiging kayo.Kasalanan mong hindi mo pa lalo siya kinilala.Kaya gawin mo ang lahat ng paraan para magbago ito sa ikakabuti niya. Meron nga diyang apat na naging asawa pero pinili pa rin niya itong mahalin. Tinanggap niya pa rin. Sa kabutihang palad siya na ang naging huli. Siya na ang naging huling asawa. Hindi ko sinasabing mag asawa ka rin nang apat o mag syota ka nang lalake/babaeng may apat na. Ang ipinapaliwanag ko dito ay.
LAHAT NANG TAO AY MY TIYANSANG MAGBAGO.Kapag hindi pa siya nag bago. Iwan mo na siya. Baka ikaw eh maging negative na rin. At siya na ang positive para sayo. Tipong siya na lang ang iniikutan ng buhay mo. Mali na yun. Hanggat maari dun lang tayo sa side na positive ka lang. Bawat galaw eh kailangan ng kaukulang desisyon. Dahil lahat ng desisyon eh tatama sa katauhan ng isang tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento