Miyerkules, Marso 16, 2011

Ang pag ibig ay parang ngipin

Kapag masakit wala kang magagawa. Nakakapanghina kapag nasaktan ka. Kahit gaano kang kabuting tao. Kapag nasaktan ka ng taong mahal mo wala kang magagawa kundi magmukmok sa isang kwarto o sulok. Parang sa ngipin, kahit gaano ka kalusog manghihina ka sa sobrang sakit nito kaya kang patumbahin kahit gaano ka kalaki.
Kapag hinambing ulit sa pag-ibig. Mawawala ang sakit ng puso kapag may taong handang tumulong sayo.
Parang sa ngipin. Kailangan mo ng dentista para mawala sakit ng ngipin.
Sa pag-ibig naman. Kailangan mo ng panibagong tao para onti onting mawala ang sakit.
Ang matinding pinagkaiba lang nito. Yung ngipin isang araw lang na masakit pwede nang bunutin.
Pero ang pusong nasaktan? Buwan? Araw? Taon? Bago ulit makahanap ng taong papalit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento