Biyernes, Marso 11, 2011

Naniniwala akong lahat ng bagay na pinagaaralan sa eskwelahan ay kailangan natin sa hinaharap.

Dahil darating ang araw na tayo naman ang mag tuturo sa anak natin. Hindi bat tayo ang unang guro nang mga anak natin?
Hindi bat nakakahiya kapag magtatanong ang anak mo sayo tapos hindi mo alam ang sagot? Paano mo magagabayan kung sa ibang bagay palang ay sumusuko ka na?
Marami na akong kilalang nakatapos at namimiss nila ang pag-aaral. Kaya wag mong hintaying dumating ang araw na ikaw ay mag tatrabaho na. At wala nang holiday holiday. Lahat ng kilos mo sa darating na araw ay may bayad na.
Kaya mag-aral ng mabuti. Isaisip lahat ng itinuturo. Hindi ituturo ng guro yan kung hindi kailangan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento