Sarap at hirap.
Sarap ng pagmamahal.
Dito natin mararamdaman ang walang humpay na kasiyahan, dito natin mararamdaman ang walang katumbas na ngiti sa ating mga labi sa oras na naramdaman na natin ang inaasam na pagmamahal.
Paano naman hindi sasarap, yung tipong sa laki mo na nang yan may nag aalaga pa sayo, yung mga taong halos mas concern pa sa magulang mo. Dahil lagi silang nag papaalala na kumain ka na, sila pa yung mga nag gogoodmorning , nag gogoodnight, at handang makinig ng problema mo.
Hirap ng Pagmamahal.
Mahirap dahil masyado ka nang prone sa selos, lahat ng tao na lumalapit sa kanya parang napaka big deal na sa iyo. Sabi nga nung iba, may tiwala ka nga naman sa kanya, pero wala kang tiwala sa nakapaligid sa kanya.
Hindi ito sa nawawalan ka ng tiwala, gusto mo lang talaga mag isa sa mundo niya. Gusto mong ikaw lang rin ang mundo niya. Ang hirap matulog sa gabi na alam mong mag kaaway kayo ng taong mahal mo. Kapag napaiyak mo ito, kapag nasaktan mo ito. Mahirap magmahal, pero ano mang hirap nito, alam nating lahat na masarap naman talaga mag mahal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento