Linggo, Marso 20, 2011

Isang paalam.

Alam mo yung kanta ng spongecola?
Yung lyrics ito.
Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos?
Sa isang saglit lahat malilipol
‘Di ko mahahayaan na walang magagawa
Ayaw kitang lumuhang nag-iisa

Panalo ano? Totoo nga naman.
Ang tagal mong inalagaan tapos isang araw ka lang iiwan. Yung tipong lahat ng ginawa mo nabaliwala ng isang desisyon. Nang isang paalam. Wala kang magawa kundi tanggapin e. Ang sakit lang e no? 
So ano ang gagawin natin? Syempre ipaglalaban natin. Magagalit tayo. Itatanong natin kung bakit. Sa oras na nagtatanong tayo bakit nila tayo iiwan ito yung mga panahon na ayaw natin silang mawala. Gusto natin silang mag stay. Pero kapag ayaw na talaga.
Wala na tayong magagawa. Nakakalungkot lang na ang lahat ng bagay na inalagaan mo ay mawawala dahil lang sa isang paalam.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento