Biyernes, Marso 11, 2011

Ang love kinuha mo ng package yan.

Tandaan mong kapag kinuha mo ang LOVE. Hindi nag iisa yan. May kasama yang
Pagmamahal
Ito ang una mong mapapansin kapag kinuha mo yang love package na yan. Dahil ito ang gusto mo  kaya kinuha mo yung package.
Pagtitiwala
Kapag kinuha mo ang package ng Love. Kapag may pagmamahal may built in na tiwala yan. Hindi mo mahal ang isang tao kapag hindi mo siya pinag kakatiwalaan.
Pagsasakripisyo
Kailangan mong mag sakripisyo para sa taong mahal mo. Hindi mo masasabi na kailangan eh siya lang ng siya ang magsasakripisyo. Minamahal ka niya kaya siya nag sasakripisyo. Eh ikaw? Nagmamahal ka rin diba? Kaya mag sakripisyo ka rin.
Pagseselos
Ito kasama talaga to. Hindi totoo yung sinasabi ng mga DJ sa Radyo na wala kang karapatan mag selos sa taong mahal mo. Tao ka lang naman. At hindi mo maiiwasan yun. Nagmamahal ka e. Syempre gusto mong solohin yung mahal mo. Pero dapat minsan lang gagamitin itong package na ito. Dahil tandaan mo nandiyan yung Pagtitiwala.
Pag-aaway
Oo. Kasama sa package ng love ito. Dahil may mga bagay na kailangang pag-awayan para malaman mong nagkakamali na siya. Hindi lahat ng tao eh alam na mali na pala ang ginagawa nila. Kailangan mo silang sitahin at ipaalam na mali sila. Minsan ang pag-aaway ang nagiging dahilan ng matibay na relasyon. Dahil pareho kayong nagpapalitan ng salita at sa huli naman ay magkakabati rin kayo. Kapag galit ka kasi nasasabi mo ang mga bagay na hindi dapat sabihin. Mga bagay na hindi mo nasasabi kapag masama ang iyong loob.
Masasaktan
Tandaan mong hindi laging sarap. Hindi laging masaya. Kasama sa package yan. Dahil kung hindi ka masasaktan. Hindi mo masasabing totoo ang pagmamahal mo. Nasasaktan ka dahil nagmamahal ka. Nasasaktan ka kasi hindi mo kaya yung ginagawa ng taong mahal mo. Sa mga sinasabi niya. Nagiging sensitive tayo kapag yung taong mahal mo na ang nagsabi ng mga bagay bagay.
Tandaan mong ang package minsan peke yan. At hindi sayo. Minsan nagkamali lang nang padadalhan. Pero dadating at dadating ito hanggat handa kang tumanggap nito. Hindi mo kinuha ang package na love para mamili lang. Built in lahat yan. Ayaw mo man tanggapin. Ipapadala at mararamdaman mo pa rin yan.
Pag nakuha mo ang package na sa iyo. Pirmahan mo. Patunay na ito nga ay sayo at handa kang kunin ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento