Miyerkules, Marso 16, 2011

LEGAL

Highschool Days palang kapag legal ka sa magulang niyo. Ang cool mo. Dahil hindi mo proproblemahin ang kabang baka magkahiwalay kayo sa dahilan na malaman ng magulang niyo na may relasyon kayo. 
Dahil nga sa mga taon na highschool palang kayo. Bata pa kayo at magaral muna kayo. Ayan ang unang sasabihin ng magulang niyo.
May mga pagkakataon na umaabot sa college ang relasyon pero hindi pa rin alam ng mga magulang ito. Kaya mas malala at nakakatakot. May mga magulang na suportado ang anak sa relasyon basta alam daw ang limitasyon. May iba kasing mga kabataan na inaabuso ang mababait na magulang. Sige lang ng sige. Tapos magkakalamigan kapag may masamang nangyari.
Dapat maging masaya kayo sa relasyon niyo lalo nat tanggap kayo ng mga magulang niyo. Yung iba almost perfect ang relationship nila. Pero ang problema hindi nila mapakilala sa magulang nila. Dahil sa takot na baka paghiwalayin sila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento