Biyernes, Marso 11, 2011

Standards.

Maraming tao ang malalaki o mataas  ang standards. Parang tourism ang kailangan para makapasa ka sa puso nila.
Kaya ka nag iisa. Gusto mong itulad sayo yung nakikita mo sa iba. Paano yan? Mataas na standards mo mataas pa pride mo. Paano ka niyan? Tapos aangal kang walang magkagusto sayo eh ang standards mo naman eh daig mo pa ang isang taong mag aapply ng trabaho. Ano ba ang hanap ng ibang kababaihan?
  • Matangkad
  • Moreno o Maputi
  • With Pleasing personality
  • Macho
  • May kotse
  • May laman ang bulsa.
Pero hindi kita masisisi kaibigan. Lahat naman tayo ay umaasa. Yang nasabi ko eh sa babae lang. Pero meron din naman kaming sa lalake. Siguro may mga single pa rin na lalake ngayon eh nagkakatalo rin sa standards. Minsan sa kalalakihan prefer nila ang
  • Singkit o chinita
  • Medyo matangkad
  • Maputi pero pwede rin ang morena.
  • Sexy.
  • Magaling sa lahat ng bagay.
  • Malambing
  • atbp.
Pero sabi nga eh kanya kanyang taste lang yan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento