Dahil may sarili kang talento. May sarili kang alam. May kaya kang gawin na hindi nila kayang gawin. May mga kaibigan ka na hindi rin naman nila kaibigan. May sarili kang estilo ng pagsusulat. May sarili kang isip.
Kanya kanya yan ika nga.
Bakit ka mainggit? Kung meron rin sila dapat ika inggit sayo?
May maipagmamalaki ka rin naman. Kung hindi ang talento mo, siguro ang magulang mo. O ang kapatid mo. Tito,Tita, mga taong nakapalibot sayo.
Insulto sa sarili mo yun. Kung iisipin mo na sana katulad na lang ako ni ganito. Sana katulad nalang ako ni ano. Ang panget lang. Magtatampo sayo ang panginoon sa ginagawa mo. Binigyan ka niya ng magandang buhay, aalagaan mo lang yan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento