Hindi porket sinabi niyang gusto ka eh totoo na agad yun. Hindi bat masa maganda kung mapapatunayan niya muna ito? Yung hindi siya padalos dalos sa mga desisyon.
Kailangan ng sapat na oras at sapat na effort para maniwala ang babae sayo.
Pag sinabi niyang magpapakamatay siya dahil mahal ka niya. Murahin mo siya. Sarap niyang kotongan kamo. Paano ka niya mamahalin kung patay na siya? Hindi totoo yung ikaw ang buhay niya. Dahil may sarili siyang buhay. Kung sinabi niyang gusto ko i share sayo ang buhay ko. Eh dun ka maniwala. Alam niyang gamitin sa maayos at wasto ang bawat salita. Seryoso siya sayo.
Kaya wag tayong padalos dalos. Parang magnet lang yan. May taong lalapit at lalapit sayo. Kung kayo talaga ang magkakadikit. Kasi ang taong nakatalikod at hindi para sayo hindi didikit diba? Parang magnet nga lang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento