Dahil ikaw ang tatakbo sa dulo nito.
Ikaw ang tatakbo sa dulo at ang dulong ito ay kaligayahan.
Merong taya. Siya yung haharang sayo. Siya yung pipigil sayo.
Parang sa pag-ibig. May taong laging haharang sayo. At yun ang EX mo. O kaya naman yun yung taong gusto mong maka move on.
Gagawa ka nang paraan para makapunta sa kabilang dulo.
Dapat alam natin na ang larong to ay kailangan ng pag-iisip. Pag-iisip paano makakawala sa harang.
Sa larong patintero. Meron kang kaibigan o kakampi na lilituhin para ikaw ay makapasok.
Ganun din sa proseso ng pag momove on. May mga kaibigang tutulong sayo para makawala sa sumpang ito.
Maraming bagay at mga simpleng laro pwede ihambing ang pag-ibig.
Pero huwag itong gawing laro. Hindi ka na bata. I apply mo lang ang rules at techniques na matututunan mo sa mga larong ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento