Linggo, Marso 20, 2011

Kung ako na lang sana.

Alam mo yung kantang yun? Yung sobrang meaningful na kanta? Lalo na yung lyrics na.
Kung ako na lang sana ang ‘yong minahal
‘Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang ‘yong minahal
‘Di ka na muling luluha pa
‘Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sa’yo

Sa tingin ko ang kantang ito sa dalawang magkaibigan na super close sa isat-isa. Tapos yung babae o kaya may lalake na may boyfriend/girlfriend. Yung bestfriend na tahimik lang pero nasa isip niya mahal na mahal ka niya. Kung pwede nga namang siya na lang. Kasi ang unang nasasaktan kapag may nasasaktan na tao eh yung kaibigan. Lalo nat may nararamdaman ka dito? Naku po napakahirap tanggapin na yung taong minamahal mo sinasaktan lang ng iba.
Tipong mapapaisip ka na bakit minamahal mo yung taong nananakit sayo? Eh andito naman akong nagmamahal at handang umalaga sayo? Bakit sa kanya nagawa mong mahalin siya? Ako tong totoong nagmamahal sayo hindi mo napili? Ang sabi mo hindi itsura ang habol mo. Pero mas matimbang parin siya sa sakin?
Ayan yung mga katanungan na iikot sa ulo ng isang kaibigan.
Bakit nga naman kasi.. Nasa kama ka na. Bumaba ka pa sa sahig.
Kung ako na lang sana…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento