Alam ko isa ito sa mga quotes ni pareng Bob Ong.
Kitang kita ko ang punto niya dito. ” Huwag mong hawakan kung bibitawan mo din lang”. Napakasarap basahin. Napakasarap ipaliwanag.
Ibig sabihin nito wag kang hahawak ng relasyon kung iiwan mo din lang. Huwag kang hahawak ng kamay ng tao kung bibitawan mo din lang. Huwag kang magbibigay nang pangako kung hindi mo rin tutuparin.
Marami satin ang sasabihing hindi tayo iiwan. Pero sa huli tayo ang nag-iisa.
Ang bilis mag sawa ng tao. Bakit ganun? Ginawa mo naman lahat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento