Sa likod ng kanilang kapansanan, masasabi mong napaka wagas nang kanilang pagmamahalan. Sa likod ng madilim na mundong kanilang ginagalawan, hindi nagiging balakid ang kanilang kapansanan. Pagmamahal na nagsisilbing liwanag at nagbibigay ng kulay sa kanilang madilim na paningin. Sila yung mga taong pag-ibig lang ang mahalaga. Hindi kung ano pa ang itsura ng kasama niya. Dito umaandar ang kanilang pag titiwala.
Sana naiisip ito ng maraming tao. Mga taong kumpleto at walang kapansanan. Na ang laki ng pinoproblema pag dating sa pag-ibig. Ang daming gusto, ang daming reklamo. Ok sana kung ang pinoproblema nila ay mas mabigat pa sa pinoproblema ng ibang tao.
May mga taong nakakakita naman. Pero ang lakas mag bulagbulagan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento