Sabado, Marso 12, 2011

Sa oras na mag fail ang isang relasyon. Maaring isa dito ay bumaba ang self confidence.

Minsan ang relasyon sa kaibigan. Kung hindi naging matagumpay ang panliligaw ni lalake. Maaring bumaba ang self confidence niya. Sasabihin anong mali sa kanya. Mag uumpisa siyang ma curious sa itsura niya. Sa pangangatawan niya. At lalong lalo na sa ugali niya. Nagiging matapang ang isang lalake kapag umamin daw siya sa isang babae. Pero paano nga kung ganun ang mangyari? Masakit para sa lalake yun. Hindi porket lalake eh hindi na marunong masaktan, porket nasabihang ang mga lalake ay matatapang ay hindi na ito marunong umiyak o masaktan? Tao lang rin ang mga lalake. Sa mga babae naman bumababa ang self confidence nila kapag iniwan sila ng isang lalake sa isang relasyon. Minsan yung iba sasabihin pa maganda naman ako. Bakit ako iniwan? Minsan hindi sapat ang ganda ng isang tao. Maaring ang ganda mo ay nakakasawa, nakakasura na sa katagalan. Maaring maganda ka nga pero nagbago naman ugali mo. Minsan kailangan mong tumingin sa salamin. Isipin lahat ng posibilidad bakit niya nagawa sa iyo yun. Minsan bumababa ang self confidence ng mga kababaihan dahil pinagpalit sila ng lalake sa mas panget sa kanila na babae. Minsan iisipin nang babae na ano meron dun sa taong yun? At ipinagpalit ako. Minsan wala ka nalang magagawa. kundi tanggapin ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento