Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang meaning ng bestfriend. Meron kasi akong bestfriend. At may iba naman akong tinatawag na bestfriend din. Sabi kasi nung iba ang best friend daw ay isang tao lang dapat. KASI daw BEST nga e. So dapat may SUPER SUPER BEST FRIEND? SUPER BEST FRIEND? SUPER OMEGA DUPER BEST FRIEND?
Ewan ko lang. Sa tingin mo nagagamit ko to kapag close na kami ng tao. Masasabi ko na siyang bestfriend. Sa tingin ko dapat pantay pantay lang ang tingin sa mga ito. Pero pipili ka lang ng tao na pagsasabihan mo ng problema mo. Dun sa taong mapagkakatiwalaan mo.
Meron ka kasing magiging kaibigan ng isang araw lang e. Kunwari nakita mo lang siya dahil kasama siya ng bestfriend mo sa mall. Depende yun kasi kung masusundan pa ng isa pang komunikasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento