Sabado, Marso 12, 2011

Paghahanap at pag hihintay.

Ang lalake hinahanap ang pag-ibig.
Ang babae naghihintay.
Hindi pwedeng kami ang maghintay. Ano kami prinsesa? Maghahanap ng babaeng manliligaw samin?
Sa babae, oo gusto mo siya pero wag ka namang magpahalatang siya naman talaga ang gusto mo. Lalong magpapakipot yan. May pride ang lalakeng hindi maintindihan. May pride ang lalake tungkol sa nararamdaman. Ganyan katapang yan mga yan. Pag alam nilang may gusto ka sa kanila. Minsan take advantage pa nila sayo yun. Hindi ko nilahat ang lalake. Dahil lalake din ako. At hindi ako kabilang dito.
Mahirap sa mga nagpapayo ngayon nagiging stereotype. Kapag walang bf ang mga lalake laging sasabihin maghintay ka lang. Ang hirap mag hintay sa wala noh. Lahat naman ng bagay eh hindi gagalaw hanggang walang force diba? Force of inertia ika nga. :))
Kaya ayon. Alam mo na ngayon. Di mo masasabing depende sa sitwasyon. Dahil dadaan ka ba sa sitwasyon na ikaw ang manliligaw? HA? BABAE KA? gusto mong sabunutan kita diyan?
Sa lalake ulit, tsong gusto mo nang kutos? Kunwari babae ka? Galangin mo yan. Chicks yan e. Mahalin mo yan walangya ka. Ang hirap hirap mag hanap ng taong mamahalin pag lalaruan mo pa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento