Biyernes, Marso 11, 2011

Destiny.

Naniniwala ka ba sa salitang destiny?
Paano kung yung taong nakatakda sayo ay di mo gusto?
Susugal ka bas a tinatawag na destiny o ipaglalaban mo yung gusto mo na nakatakda naman sa iba?
Nasa tao kasi yan e. Nasasakanila kung ipagpapatuloy nila yung destiny na yun. 
Tska ang tanong diyan. Paano mo malalaman kung ayun nga yung naka destiny sayo? Hindi bat kung alam natin ang destiny natin edi dun na tayo mag pupursigi at hindi na sa ibang tao?
Malalaman natin ang destiny natin kapag sumubok na tayo sa isang tao. Kung magiging kayo at naalagaan at naintidihan niyo ang isat-isa. Hindi malabong magiging kayo.
Nasa tamang tiyaga at oras lahat ng bagay e. Sabi nga proper timing daw. Alangan naman manligaw ka ng kakabreak up lang ng bf niya. Alangan naman makipag flirt ka sa lalakeng kakabreak lang din ng gf niya.
Basta its all about timing kasi e. At yung destiny na yan sa huli na malalaman yan e. Hindi mo rin kasi masasabing destiny ang isang pangyayari kapag kayo ay ikinasal. Dahil pwede rin kayong maghiwalay. 
Sa tingin ko malalaman mo lang ang destiny mo sa oras na nakahimlay ka na sa kama mo at hinihintay ang pag lubog nang araw na kasama pa rin sa tabi mo ang taong mahal mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento