Angal ka ng angal diyan na di ka nirerespeto. Baka naman kasi kung ano na ang pinag gagawa mo diyan? Nakakalimutan mo na ang dati mong imahe bilang tao. Masyado kang nabubulag sa mga sasabihin nang tao. Sobrang conservative kang lalabas ng inyong bahay. Pero sa internet naman eh sobra ka maglagay ng kung ano. Hindi bat mas malala ang nangyari? Oo nandun na tayo sa ineexpress natin ang sarili natin.
Pero sa tingin mo. Kung nakikita ba ito ng magulang mo. Matutuwa ba sila dito?
Naranasan kasi ito ng kaklase ko. Nakita niya ang kanyang kapatid na babae ay nag popost ng sexy at ng halos lumuwang cleavage sa facebook. Ang ginawa niya sinumbong niya ito sa magulang niya at napagsabihan ang kapatid niya.
Kung sakin mangyayari to (wag naman sana). Bilang kuya hindi ko mapapalagpas ito. Kahit ako na lang ang gumawa ng aksyon. Pero papaalam ko na lang rin sa magulang ko.
Tandaan mong napakalawak at napakarami ng mata dito sa internet. Hindi ko binabasag ang trip ng kung sino man ang magbabasa nito. Hindi rin ako KJ. Kasi mas gusto ko nga maraming ganun. Kasi lalake ako. Ayun din gusto kong makita kung meron eh. Pero kung sa sarili mo. Napasaya mo nga ibang tao. Maaring bumaba naman tingin nila sayo.
Ito ay opinyon. Hinaing. At reaksyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento