Martes, Marso 29, 2011

mga taong may pinagsisisihan dahil minahal ang isang tao.

Hindi naman dapat sisihin ang sarili, hindi dapat sisihin ang pagmamahal. Minsan parte lang talaga ito ng pagmamahal, ang tayo ay masaktan. 
Kung gusto mo nang isang halimbawa, ipagpalagay mo na lang ito sa isang palabas, wala namang palabas na love story na puro kasiyahan lang diba? Wala ring telenovela na puro pagmamahalan lang at walang problema ang inilabas.
Kapag tayo ay nasaktan, tandaan mong gawing aral ito. Gawin mong advantage sa pagpili ng tamang tao ang past experience mo. Dahil dito mas magiging wais ka na sa pagpili ng mga taong makakarelasyon mo.
Hindi puro sarap ang pagmamahal, minsan nga mas lamang pa ang pagsasakripisyo kesa sa pagmamahal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento