Biyernes, Marso 11, 2011

Conditional Love and Unconditional Love.

Conditional Love: Ito ay ang pagibig na laging may consequence. Sa tingin ko ito yung mga taong sinisigurado yung future nila sa taong kasama nila. Para lalo mong maintindihan ito ang ibang halimbawa ng conditional love.
  • Mamahalin kita kung may sasakyan ka.
  • Mamahalin kita kung may maganda kang bahay.
  • Mamahalin kita kung  mapera ka.
  • Mamahalin kita  kung hindi ka mag sisinungaling sakin.
  • Mamahalin kita kung maganda ang katawan mo.
  • Mamahalin kita kung ako lang ang itetext mo at i chachat araw araw.
Ito yung mga hamon  bago mo makuha yung pagmamahal na gusto mo. Hindi ko alam kung marami ang ganyan ngayon. Hanggat may KUNG ang gusto ng nagmamahal sayo. Conditional Love yan.


Unconditional Love: Ang swerte mo kapag napunta ka sa ganito. Wala yung mga bagay na nasa taas. Magmamahalan kayo kahit anong meron sa inyo. Sobrang kalayaan. Hindi nakakasakal. Kayong dalawa ay nagkakaintindihan. Walang hahadlang dahil ikaw ay mahirap man o mayaman. Masasabi nating kuntento kayo sa isat-isa. Para malaman mo pa ng husto bibigyan kita ng halimbawa.
  • Mamahalin kita kahit na ganyan ka lang.
  • Mamahalin kita kahit na wala tayong pang date.
  • Mamahalin kita di dahil sa panlabas mong anyo. Kundi dahil sa ugali mo.
  • Ok na sakin kahit na ano. Basta sayo nanggaling.
  • Ok lang ako basta tayong dalawa ay masaya sa isat-isa.
Ang Unconditional Love ay walang hinihinging kapalit. Siguro ang hinihingi lang nito ay iyong pagmamahal. Walang materyal na bagay. Basta purong nararamdaman lang. Walang KUNG, walang BASTA MERON KA NITO, kundi BASTA MAHAL MO.
Ikaw? Saan ka nahahanay? Unconditional Love? O Conditional?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento