Martes, Marso 22, 2011

Kapag ako nag asawa.

  • Gigising ako ng maaga maipagluto lang aking mahal.
  • Gigisingin ang aking asawa sa pamamagitan ng paghalik sa noo.
  • Gigisingin ang mga anak. At kapag antok pa sila sila ay bubuhatin ko patungo sa hapag kainan.
  • Gagawin na rule sa bahay ang sabay sabay kumain dahil yun lang ang alam kong pinaka bonding na pwedeng gawin araw-araw sa isang pamilya.
  • Araw-araw kong sasabihan ang aking asawa at anak na mahal ko sila. Para masanay silang ganun hanggang paglaki.
  • Hanggat maari tututukan ko ang pag-aaral nila. Alam kong ang mga magulang ang magiging pundasyon sa matututunan ng bata.
  • Ako ang maghahatid sa opisina ng aking asawa. Ako ang maghahatid sa eskwelahan kapag pumapasok na ang aking mga anak.
  • Magsisikap ako para sa oras na humingi ang anak ko at asawa ko ng regalo. Maibibigay ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento