Biyernes, Marso 11, 2011

Hindi bat nakakatakot na dumating yung araw na hindi ka na rin mahal ng taong mahal mo?

Yung darating yung araw na hindi mo alam kung ano na ang nangyayari sa inyo.
Hindi na kayo tulad ng dati.
Hindi na kayo ganun kalambing sa isat-isa.
Ang lamig niyo na sa isat - isa.
Ikaw naman tong si tanga. Nanahimik na lang.
Nagmukmok ka nalang diyan.
Parang nanunuod ka ng lingas ng katol na maubos. Isang flashlight na puno ng ilaw na hinihintay mong mapundi. Parang kandila na iniintay mong maubos.
Wala tayong magagawa. Naging kayo man o hindi. Kapag hindi ka na mahal. Wala ka nang magagawa kundi tanggapin ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento