Sabado, Marso 12, 2011

Mga naging kriminal dahil sa pag-ibig.

Pati mga kriminal ito ang dahilan. Hinanap nila ang pagibig na ramdam nila ay nawala sa kanilang sarili. Maaring pag-ibig galing sa ibang tao.
May mga taong nakakapatay dahil sa selos. Mapapanuod mo sa mga balita yan. Kinain ng nararamdaman ang kanyang pag iisip at ito na lang ang nagawa niyang paraan para gumaan ang loob niya sa maling paraan. Paano pa nga ba naman mababalikan kung patay na ito diba?
May mga taong nag nanakaw para mabuhay ang pamilya - isa sa mga kahinaan ng loob lalo nat mahal niya ang pamilya niya. Pero sa maling pamamalakad ulit. Magnanakaw siya para may maipakain sa pamilya niya. Mga pagkain at pera na galing sa nakaw. Sa tingin ba nila maiibsan nila ang kanilang buhay kung ganto lagi ang gagawin nila?
May mga kriminal na mang hohostage ng tao - ginagawa ito ng isang tao kapag iniwan siya at hindi niya matanggap na nangyari ito. Kinukuha niya ang atensyon ng media para mapanuod sa TV o kumalat ang balita. Minsan dahas ang katapusan nito. Pagmamahal na kinunan ng buhay. Mga taong sarado na ang isip sa mga pwede pang mangyari. Pag iisip sa utak na kinain ng puso nang pag mamahal. 
Mga holdaper ng bangko - pansin mo bat kahit anong tutok nila ng baril sayo eh hindi nila mabaril ito? Depende nalang kung halang ang kaluluwa nito. May mga taong napasama lang dito dahil gipit lang talaga sa pera. Para mabuhay ang pamilya. Hindi nila kayang kumikil ng buhay ng tao. Pero kapag nagmatigas ka. Eh hindi sila mag dadalawang isip kunin na rin ang iyong buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento