Martes, Marso 29, 2011

NBSB.

Hindi siguro dahil sa takot silang magmahal. 
Siguro sa kanila ay first things first. Alam nila ang role nila sa kanilang mga magulang, siguro sa tamang pag didisiplina rin ng magulang.
May mga taong NBSB dahil siguro sa takot sila dahil sa mga nakikita nila, ayaw muna nila mag karoon ng problema, dahil automatic naman yan. Kapag nagmahal ka magkakaroon ka ng problema, dahil sa hindi pagkakaunawaan, sa selos, at sa tampuhan.
May mga taong NBSB dahil sila ay may disiplina sa sarili na madali namang makahanap yan at dadating din sa kanila basta basta yun. 
Ang mga taong NBSB ay nag eenjoy lang rin kasama ang kaibigan nila, ang pamilya nila at mga taong malalapit sa buhay niya.
May mga taong NBSB pero may ka MU, hindi nila masasabi na boyfriend nila ito. Pero nakukuha niya ang atensyon na gusto niya sa isang lalake.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento