Kung may idea kasi ang tao. Maghahanap pa ba ito? Edi walang thrill mag mahal.
Walang taong gagawa ng effort. Walang magpapakahirap. Kasi sa una palang kung alam mo nang hindi siya talaga sayo. Mag effort ka pa ba? Kaya tayo binigyan ng salitang “TIWALA”. Dahil dadating ang araw na magtitiwala ka lang sa tao na yun na sana siya na nga. Hanggang sa dumating sa araw na kailangan niyo nang ipaglaban yung pagmamahalan niyong dalawa.
Kung hindi talaga kayo para sa isat-isa. Hayaan niyo. May mga taong bagong dadating. At totoo yung kasabihang kung kayo kayo. Kung maghihiwalay man kayo ngayon. Malay niyo sa ibang pagkakataon maging kayo ulit.
Masyado lang kayong naguguluhan sa mga bagay bagay, Kaya nangyayari yung mga hindi inaasahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento