Hindi naman dapat sisihin ang sarili, hindi dapat sisihin ang pagmamahal. Minsan parte lang talaga ito ng pagmamahal, ang tayo ay masaktan.
Kung gusto mo nang isang halimbawa, ipagpalagay mo na lang ito sa isang palabas, wala namang palabas na love story na puro kasiyahan lang diba? Wala ring telenovela na puro pagmamahalan lang at walang problema ang inilabas.
Kapag tayo ay nasaktan, tandaan mong gawing aral ito. Gawin mong advantage sa pagpili ng tamang tao ang past experience mo. Dahil dito mas magiging wais ka na sa pagpili ng mga taong makakarelasyon mo.
Hindi puro sarap ang pagmamahal, minsan nga mas lamang pa ang pagsasakripisyo kesa sa pagmamahal.
Martes, Marso 29, 2011
PAGBABAGO.
Ang tao nagbabago dahil sa pangyayari sa mga buhay niya, ang tao natututong magbago dahil kailangan niya para maging malakas siya, ang isang tao hindi magbabago kung hindi naman kinakailangan, dahil alam niyang nagkaroon siya ng kaibigan dahil sa ugaling meron siya.
Maraming nagbago dahil sa karanasan, sa impluwensya ng kaibigan, at sa impluwensya ng taong nakapaligid lahat sa kanya. Gusto niyang patunayang nag eexist siya, na hindi lang siya basta basta.
Huwag na tayong magtaka, bakit may mga kaibigan tayong nawala. At nagbago na lang bigla.

Sarap at hirap.
Sarap ng pagmamahal.
Dito natin mararamdaman ang walang humpay na kasiyahan, dito natin mararamdaman ang walang katumbas na ngiti sa ating mga labi sa oras na naramdaman na natin ang inaasam na pagmamahal.Hirap ng Pagmamahal.
Paano naman hindi sasarap, yung tipong sa laki mo na nang yan may nag aalaga pa sayo, yung mga taong halos mas concern pa sa magulang mo. Dahil lagi silang nag papaalala na kumain ka na, sila pa yung mga nag gogoodmorning , nag gogoodnight, at handang makinig ng problema mo.
Mahirap dahil masyado ka nang prone sa selos, lahat ng tao na lumalapit sa kanya parang napaka big deal na sa iyo. Sabi nga nung iba, may tiwala ka nga naman sa kanya, pero wala kang tiwala sa nakapaligid sa kanya.
Hindi ito sa nawawalan ka ng tiwala, gusto mo lang talaga mag isa sa mundo niya. Gusto mong ikaw lang rin ang mundo niya. Ang hirap matulog sa gabi na alam mong mag kaaway kayo ng taong mahal mo. Kapag napaiyak mo ito, kapag nasaktan mo ito. Mahirap magmahal, pero ano mang hirap nito, alam nating lahat na masarap naman talaga mag mahal.
Uri ng relasyon
Long Distance Relationship
Ito ang relasyon na ang magkasintahan ay maaring nagkasama na pero nagkalayo sa isat-isa.Short Distance Relationship
Pwede rin nating sabihin na pumasok sila sa isang relasyon na malayo sila, kahit na hindi pa sila nag kikita.
Kailangan ng malakas na pagtitiwala para magtagal at maging masaya sa relasyong ito.
Masasabing ang advantage nito sa Short Distance Relationship ay yung kilig at excitement kapag magkikita kayo.
Ito naman ang most common sa relasyon, syempre dapat naman talagang magkasama ang mga taong magmamahalan.Internet Relationship.
Ang advantage nito sa Long Distance Relationship eh yung lagi silang magkasama, sa oras na gusto nilang magkita makakapagkita sila.
Minsan nakakapagtaka na may mga taong magkakasama sa mall, pero alam mo sa kanilang mga mukha na may mali, alam nating magkagalit o may tampuhan sila, kung alam lang sana nila ang pakiramdam ng mga taong nasa LDR, Hindi sana sila magiging ganun.
Pwede rin namang excited tuwing sila tuwing magkikita, pero hindi kaya agad magkasawaan? Hindi natin alam.. Dalawang taong nasa relasyon lang ang makakasagot nito.
Tipong sa internet kayo nagkakilala, pero hindi pa kayo nagkikita, maaring maging bunga ito ng LDR o SDR relationship sa oras na makilala mo pa lalo ito. Mahirap din ang gantong relasyon, Dahil baka nalilinlang kalang sa mga sinasabi niya, may likas na magaling lang siyang magsalita, may likas na appeal lang kaya ka na aattract sa kanya. Madalas ang internet relationship ay ang pagtingin sa itsura ng tao dito.Penpal Relationship
May mga taong nabibiktima ng posers, dahil nga sa maganda ang itsura papatulan na niya ito, dahil alam niyang baka magkita rin sila sa tamang panahon.
Nabura na ata ito sa lipunan, kung maalala mo ang penpal relationship na ito, ito yung nag papadala ng liham at ang susunod mong liham na matatangap ay sa isang linggo na. Nakakatuwa na nagagawang magmahalan ng tao dati, dahil wala pang ganoong teknolohiya dati, wala pang internet, wala pang telepono,wala pang unli, wala pang mumurahing cellphone.
Nakakapagtaka ngayon na sa dami ng teknolohiya para magkaroon ng komunikasyon ang dalawang taong nagmamahalan eh nagagawa pa rin nitong mga ito hindi mag text kapag nag-aaway. Nakakalungkot na taken for granted na lahat ng nangyayari ngayon sa mundo.
Hindi mo maipaliwanag yung nararamdaman mo pag katabi mo yung taong mahal mo.
Dahil kakaiba ang saya. Kakaiba ang ngiti kapag katabi siya.
Lalo na hawak mo ang kamay niya? O kaya naman nakayakap siya sayo habang naguusap kayo? Grabe lang, iba ang dalang kasiyahan ng pagmamahal. Para bang lahat kaya mong gawin, lahat kaya mong puntahan, lahat kaya mong subukan, basta kasama mo siyang gagawa ng mga bagay na ito.
Sa oras na masaya ka halos kaya mong ipangako lahat, pero mag ingat ka, baka pangako ka ng pangako, hindi ka pala sigurado sa sinasabi mo, dapat sa oras na masaya tayo maging sarili lang natin tayo. Dahil kapag nagbitaw ka ng salita habang masaya ka, hindi mo maiiisip na sinabi mo pala yon sa oras na iniwan ka na.
Magmahal ng tapat, magmahal ng sapat, kahit huwag na sobra, ang lahat ng umaapaw nasasayang. Kung hanggang doon lang ang tingin niya sayo. Hanggang doon na lang talaga. Pero nasasayo yun. Ikaw ang nagmamahal e.

You deserve someone better.
Masakit kapag may taong nangiwan sayo at sinabing ” You deserve someone better “. At ang tanging masasabi mo na lang ay ” Oo naman”. Pero sa loob loob mo lang halos umiyak ka na dahil alam mong hindi ka na makakahanap ng mas better sa kanya. Dahil nahanap mo na yung best.
Ang hirap kasi sa tao, kapag inayawan ka na tanging ayan na lang ang masasabi nila kapag iiwan ka. Lagi na lang pinapahanap nila yung better na yun, eh sila naman ang best.
Hindi ba sila masaya na kahit alam nating maraming mas mas ok sa kanila eh sila pa rin ang pinili natin at hindi yung iba?

NBSB.
Hindi siguro dahil sa takot silang magmahal.
Siguro sa kanila ay first things first. Alam nila ang role nila sa kanilang mga magulang, siguro sa tamang pag didisiplina rin ng magulang.
May mga taong NBSB dahil siguro sa takot sila dahil sa mga nakikita nila, ayaw muna nila mag karoon ng problema, dahil automatic naman yan. Kapag nagmahal ka magkakaroon ka ng problema, dahil sa hindi pagkakaunawaan, sa selos, at sa tampuhan.
May mga taong NBSB dahil sila ay may disiplina sa sarili na madali namang makahanap yan at dadating din sa kanila basta basta yun.
Ang mga taong NBSB ay nag eenjoy lang rin kasama ang kaibigan nila, ang pamilya nila at mga taong malalapit sa buhay niya.
May mga taong NBSB pero may ka MU, hindi nila masasabi na boyfriend nila ito. Pero nakukuha niya ang atensyon na gusto niya sa isang lalake.

Linggo, Marso 27, 2011
Buhay single/taken sa mall.
Buhay ng single sa mall.
- Dirediretso sa pupuntahan mo.
- Bibilin agad ang gusto.
- Lahat ng dumadaan matitignan mo.
- Galit ka sa mga taong PDA at naglalandian sa mall.
- Ang tagal niyong makapunta sa pupuntahan niyo, lahat na lang kasi gustong pasukan ng kasama mo.
- Hindi mo mabili ang gusto mo, dahil alam mong may kasama ka at nahihiya kang gumastos at iisiping pang kakain mo na lang ito.
- Hindi ka makalingon, sa takot na magalit ang kasama mo at bitawan ang kamay mo.
- Tuwang tuwa kapag may nakikitang PDA, dahil alam mong hindi ka nag-iisa.
sa LDR. mahalaga ang imahinasyon.
Pwede rin naman ito sa short distance relationship.
Yung tipong mag roroleplay kayo sa telepono o kaya naman sa chat.
Nakakatulong ito para mas maging malambing ang paguusap niyong magkasintahan.
Yung tipong mag roroleplay kayo sa telepono o kaya naman sa chat.
Nakakatulong ito para mas maging malambing ang paguusap niyong magkasintahan.
- Kunwari may paguusapan kayo na magkahawak ang kamay niyo sa tabing dagat.
- Kunwari magkasama kayo at yayakapin mo siya.
- Kunwari pupuntak kayo ng mall at paguusapan niyo kung saan saan kayo pupunta.
- Kunwari lumilingon si lalake , at pipigilan ni babae si lalake.
- Kunwari nasa ilalim kayo ng puno ng mangga at nag kekwentuhan.
- Lagi mong sasabihin na kung magkasama sana kayo yayakapin niyo ang isat-isa.
500 days of summer
Doon pinakitang hindi lahat ng love story. Happy Ending.
Na hindi kailangan maging boyfriend/girlfriend kung nakukuha mo naman ang gusto mo sa taong iyon. Ibig kong sabihin kung nakakaramdam ka nang pagmamahal at hindi niyo kailangan hawakan ang isat-isa. Mas ok pa yun. Kesa naman sa naging kayo na nga tapos mahihirapan kayo dahil sa dami ng tukso sa mundong ito. Hindi mo maiiwasan mag-isip ng masama kahit na may tiwala ka sa taong mahal mo.
Sa kwentong ito, hindi ka makakapaniwalang naging ganun ang tagpo nung dalawang magkaibigan doon. Super friends with benefits sila. Natutulog yung babae sa condo ng lalake, yung lalake naman minsan doon sa bahay ng lalake. Bawal sila mag break kapag nag -aaway. Kasi wala namang sila.
Hindi bat masaya yung ganun? May relasyon kang kahit kailan hindi matitibag.
Martes, Marso 22, 2011
ang pagmmove on ay parang larong Patintero.
Dahil ikaw ang tatakbo sa dulo nito.
Ikaw ang tatakbo sa dulo at ang dulong ito ay kaligayahan.
Merong taya. Siya yung haharang sayo. Siya yung pipigil sayo.
Parang sa pag-ibig. May taong laging haharang sayo. At yun ang EX mo. O kaya naman yun yung taong gusto mong maka move on.
Gagawa ka nang paraan para makapunta sa kabilang dulo.
Dapat alam natin na ang larong to ay kailangan ng pag-iisip. Pag-iisip paano makakawala sa harang.
Sa larong patintero. Meron kang kaibigan o kakampi na lilituhin para ikaw ay makapasok.
Ganun din sa proseso ng pag momove on. May mga kaibigang tutulong sayo para makawala sa sumpang ito.
Maraming bagay at mga simpleng laro pwede ihambing ang pag-ibig.
Pero huwag itong gawing laro. Hindi ka na bata. I apply mo lang ang rules at techniques na matututunan mo sa mga larong ito.

pipili kpa ba ng iba kung nadyan na?
Maghahanap ka pa? May oras ka pa para maghanap pa ng iba? Eh andiyan na.
Hirap sa iba sa atin. Nagpaparamdam ka na hindi pa makaramdam. Nagagawa pang maghanap ng iba. Minsan mapapatanong ka na lang sa kanila, ” Akala ko ba pagmamahal ang gusto mo? Bakit itsura ang hinahanap mo?”
Nagiging factor naman talaga kasi ang itsura aminin na natin yan. Hindi porket maganda, hindi porket pangit eh i cocompare mo pa yan.
Kapag nandiyan na huwag mong palalagpasin. Hindi mo alam sa oras na dumating yung tamang panahon, sa oras na ikakasal kayo eh magsikap ito at gumaan ang buhay mo.

Ang pag ibig parang TSISMIS pinag uusapan ng lahat pero walang may alam.
Totoo diba? Lagi siyang pinaguusapan. Pero wala naman talaga ang may alam ng tunay na nangyari.
Ang pag-ibig mabilis nga daw kumalat. Parang tsismis. Kung kanino kanino mo na lang maririnig at yung mga biglaang balita.
Sabi nga ang dami daw version nang mga tsismis.
Parang sa pag-ibig kanya kanyang version din kung paano sila mag mamahal.
Kanya kanyang kwento. Na hindi mo na alam kung sino ang paniniwalaan.
Wala naman tayong magagawa. Gusto lang naman lahat ng tao ay yung magmalinis. Sino bang magkekwento sa isang tao na masama siya. Diba?

TAONG BULAG NA NAGMAMAHALAN.
Sa likod ng kanilang kapansanan, masasabi mong napaka wagas nang kanilang pagmamahalan. Sa likod ng madilim na mundong kanilang ginagalawan, hindi nagiging balakid ang kanilang kapansanan. Pagmamahal na nagsisilbing liwanag at nagbibigay ng kulay sa kanilang madilim na paningin. Sila yung mga taong pag-ibig lang ang mahalaga. Hindi kung ano pa ang itsura ng kasama niya. Dito umaandar ang kanilang pag titiwala.
Sana naiisip ito ng maraming tao. Mga taong kumpleto at walang kapansanan. Na ang laki ng pinoproblema pag dating sa pag-ibig. Ang daming gusto, ang daming reklamo. Ok sana kung ang pinoproblema nila ay mas mabigat pa sa pinoproblema ng ibang tao.
May mga taong nakakakita naman. Pero ang lakas mag bulagbulagan.

Payo ko sa mga babae.
apag magmamahal ka. Huwag mong ibigay lahat. Mag iwan ka ng 60% sa sarili mo at 40% sa taong mahal mo. Maaring malaki pa nga yung porsyentong binigay mo sa taong mahal mo. Hindi na kasama dito yung paano mo mamahalin ang magulang mo. Dahil may bukod na pagmamahal bukod dito.
Ang sakin lang, sa oras na ibinigay mo lahat ang pagmamahal na gusto ng isang tao. Magsasawa agad yan. Wala na siyang hihintayin na bago sayo. Ang mangyayari niyan lagi na lang paulit ulit ang mangyayari sa inyo.
Umpisahan mo siyang sorpresahin sa mga maliit pero nakakakilig na bagay.

Kapag ako nag asawa.
- Gigising ako ng maaga maipagluto lang aking mahal.
- Gigisingin ang aking asawa sa pamamagitan ng paghalik sa noo.
- Gigisingin ang mga anak. At kapag antok pa sila sila ay bubuhatin ko patungo sa hapag kainan.
- Gagawin na rule sa bahay ang sabay sabay kumain dahil yun lang ang alam kong pinaka bonding na pwedeng gawin araw-araw sa isang pamilya.
- Araw-araw kong sasabihan ang aking asawa at anak na mahal ko sila. Para masanay silang ganun hanggang paglaki.
- Hanggat maari tututukan ko ang pag-aaral nila. Alam kong ang mga magulang ang magiging pundasyon sa matututunan ng bata.
- Ako ang maghahatid sa opisina ng aking asawa. Ako ang maghahatid sa eskwelahan kapag pumapasok na ang aking mga anak.
- Magsisikap ako para sa oras na humingi ang anak ko at asawa ko ng regalo. Maibibigay ko.
Mahirap magbakasyon ng walang pera.
Ito ang pinaka nakakabagot na mararamdaman ng isang tao. Bakasyon nga hindi ka naman makagala. Bakasyon nga wala ka namang mapuntahan. Kaya may mga taong nag susummer job. May mga taong kanya kanya ang gimik makakuha lang ng pera.
Dahil masarap ang pakiramdam nang bakasyon tapos may pera ka, tapos makakabonding mo mga kaibigan mo. Nakakalungkot na minsan kapag wala kang pera hindi ka man lang mapansin ng mga kaibigan mo. May mga ganun e.
May kanta nga ang siakol tungkol sa ganto.
“Pag wala kang pera, wala ka ring kaibigan.”
Dahil siguro lahat ng bagay na nakapalibot sayo eh kelangan ng pambayad? Kaya hindi ako magtataka na yung gobyerno natin puro kurakot na. Wala eh nagpaalipin sila sa pera.
Wala namang willing man libre sayo na kaibigan mo kasi gipit din yung iba.
Yung iba mas pipiliin mag summer sa eskwelahan para may baon nga naman sila. Tska sila gagala.

huwag mong ikumpara ang sarili mo sa iba.
Dahil may sarili kang talento. May sarili kang alam. May kaya kang gawin na hindi nila kayang gawin. May mga kaibigan ka na hindi rin naman nila kaibigan. May sarili kang estilo ng pagsusulat. May sarili kang isip.
Kanya kanya yan ika nga.
Bakit ka mainggit? Kung meron rin sila dapat ika inggit sayo?
May maipagmamalaki ka rin naman. Kung hindi ang talento mo, siguro ang magulang mo. O ang kapatid mo. Tito,Tita, mga taong nakapalibot sayo.
Insulto sa sarili mo yun. Kung iisipin mo na sana katulad na lang ako ni ganito. Sana katulad nalang ako ni ano. Ang panget lang. Magtatampo sayo ang panginoon sa ginagawa mo. Binigyan ka niya ng magandang buhay, aalagaan mo lang yan.

Linggo, Marso 20, 2011
sa mga taong nasaktan at nagmahal.
Tandaan mong hindi nila gagawin yun. Kung mahal ka talaga nila. Ipaglalaban nila yun. Gagawa sila ng paraan para hindi kayo magkahiwalay. Maraming paraan para mag stay sa relasyon. Lahat ng bagay may dahilan. At ayun ang hindi natin alam bakit nila ginagawa yun. Ang buhay ay patuloy na tatakbo. Wag sayangin ito. Sabayan mo. Dahil kapag iniwan ka ng buhay mo. At hindi mo sinabayan ito. Ano na lang ang pwedeng mangyari sayo? Magisip isip. Isipin ang mga pwedeng mangyari sa sarili. Matalino kang bata para makulong sa isang relasyong walang ginawa kundi paiyakin ka.
Mag move on na tayo.
Nagsasawa ang tao kasi pareparehong ugali ng pinapakita mo.
Hindi ka nagbabago para sa kanya. Lagi na lang kayo nag-away.
Palagi na lang kasi. Hindi ka na gumawa ng paraan para maka survive ang relationship niyo. Na taken for granted mo siya dahil alam mong hindi ka niya kayang iwan. Tandaan mong nasasaktan rin yan, marunong makiramdam. Kapag ayan nagsawa. Hindi mo na maibabalik kung sino man siya nung dati mong nakilala.
Kahit anong sabihin mo sa kanya. Wala ng epekto sa kanya. Nagsawa na siya sa mga pagdadahilan mo. Nagsawa siya sa araw-araw na sakit niyang nararamdaman.
Ngayon magsasawa kang mag-isa. Hahanapin mo ulit siya. Hihilingin mo na sana una palang nag bago ka na. Para hindi siya nagsawa.

Kung ako na lang sana.
Alam mo yung kantang yun? Yung sobrang meaningful na kanta? Lalo na yung lyrics na.
Tipong mapapaisip ka na bakit minamahal mo yung taong nananakit sayo? Eh andito naman akong nagmamahal at handang umalaga sayo? Bakit sa kanya nagawa mong mahalin siya? Ako tong totoong nagmamahal sayo hindi mo napili? Ang sabi mo hindi itsura ang habol mo. Pero mas matimbang parin siya sa sakin?
Ayan yung mga katanungan na iikot sa ulo ng isang kaibigan.
Bakit nga naman kasi.. Nasa kama ka na. Bumaba ka pa sa sahig.
Kung ako na lang sana…
Kung ako na lang sana ang ‘yong minahalSa tingin ko ang kantang ito sa dalawang magkaibigan na super close sa isat-isa. Tapos yung babae o kaya may lalake na may boyfriend/girlfriend. Yung bestfriend na tahimik lang pero nasa isip niya mahal na mahal ka niya. Kung pwede nga namang siya na lang. Kasi ang unang nasasaktan kapag may nasasaktan na tao eh yung kaibigan. Lalo nat may nararamdaman ka dito? Naku po napakahirap tanggapin na yung taong minamahal mo sinasaktan lang ng iba.
‘Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang ‘yong minahal
‘Di ka na muling luluha pa
‘Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sa’yo
Tipong mapapaisip ka na bakit minamahal mo yung taong nananakit sayo? Eh andito naman akong nagmamahal at handang umalaga sayo? Bakit sa kanya nagawa mong mahalin siya? Ako tong totoong nagmamahal sayo hindi mo napili? Ang sabi mo hindi itsura ang habol mo. Pero mas matimbang parin siya sa sakin?
Ayan yung mga katanungan na iikot sa ulo ng isang kaibigan.
Bakit nga naman kasi.. Nasa kama ka na. Bumaba ka pa sa sahig.
Kung ako na lang sana…
Isang paalam.
Alam mo yung kanta ng spongecola?
Yung lyrics ito.
Ang tagal mong inalagaan tapos isang araw ka lang iiwan. Yung tipong lahat ng ginawa mo nabaliwala ng isang desisyon. Nang isang paalam. Wala kang magawa kundi tanggapin e. Ang sakit lang e no?
So ano ang gagawin natin? Syempre ipaglalaban natin. Magagalit tayo. Itatanong natin kung bakit. Sa oras na nagtatanong tayo bakit nila tayo iiwan ito yung mga panahon na ayaw natin silang mawala. Gusto natin silang mag stay. Pero kapag ayaw na talaga.
Wala na tayong magagawa. Nakakalungkot lang na ang lahat ng bagay na inalagaan mo ay mawawala dahil lang sa isang paalam.
Yung lyrics ito.
Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos?Panalo ano? Totoo nga naman.
Sa isang saglit lahat malilipol
‘Di ko mahahayaan na walang magagawa
Ayaw kitang lumuhang nag-iisa
Ang tagal mong inalagaan tapos isang araw ka lang iiwan. Yung tipong lahat ng ginawa mo nabaliwala ng isang desisyon. Nang isang paalam. Wala kang magawa kundi tanggapin e. Ang sakit lang e no?
So ano ang gagawin natin? Syempre ipaglalaban natin. Magagalit tayo. Itatanong natin kung bakit. Sa oras na nagtatanong tayo bakit nila tayo iiwan ito yung mga panahon na ayaw natin silang mawala. Gusto natin silang mag stay. Pero kapag ayaw na talaga.
Wala na tayong magagawa. Nakakalungkot lang na ang lahat ng bagay na inalagaan mo ay mawawala dahil lang sa isang paalam.
Pisikal na ka anyuan.
Ang pinaka plastic na sinasabi ng isang tao kapag may nagtatanong kung ano ang hinahanap nila sa isang babae/lalake. Ang madalas na sinasagot ng mga ito ay hindi naman sila naghahanap ng pisikal na kaanyuan. Pero deep inside. Bigyan mo ako god please ng papable/ o kaya chicks na hot please? Napupunta lang naman tayo sa desisyon na yun kapag wala na talaga. Pero sino nga ba naman ang ayaw sa pogi/magandang boyfriend/girlfriend diba? Hanggat maari ayun yung hahanapin natin.
Iba kaya yung hot.
Iba kaya yung hot.
hindi mo pa sinusubukan sumuko na agad siya
May gantong mga tao. Hindi mo pa nga sinasabi, inaayawan ka na agad. May mga pagkakataon na lalake ang madalas makaranas ng ganto. Yung tipong magpapakita ka palang ng motibo sa kanya siya na yung lumalayo. Siya na yung umaayaw.
Ano lang ba ang gustong gawin nang lalake? Edi magmahal ng tunay sa isang babae diba? Kaso yun nga. Natatapat yung mga prinsesa sa mga hindi kaaya ayang mga prinsipe. Gusto lang ang kaharian ng prinsesa kaya sila pilit na minahal na ito.
Pero hindi nila alam. yung mga kawal, yung mga humble na tao ang nagmamahal ng tunay sa kanila. TAHIMIK pero kakaiba dumiskarte. Ayun ang hindi nila alam. Hindi lahat ng pagmamahal ay nadadaan sa sigaw. Minsan kung sino pa yung mga simpleng dumiskarte yun pa ang nakakakuha.

Miyerkules, Marso 16, 2011
LEGAL
Highschool Days palang kapag legal ka sa magulang niyo. Ang cool mo. Dahil hindi mo proproblemahin ang kabang baka magkahiwalay kayo sa dahilan na malaman ng magulang niyo na may relasyon kayo.
Dahil nga sa mga taon na highschool palang kayo. Bata pa kayo at magaral muna kayo. Ayan ang unang sasabihin ng magulang niyo.
May mga pagkakataon na umaabot sa college ang relasyon pero hindi pa rin alam ng mga magulang ito. Kaya mas malala at nakakatakot. May mga magulang na suportado ang anak sa relasyon basta alam daw ang limitasyon. May iba kasing mga kabataan na inaabuso ang mababait na magulang. Sige lang ng sige. Tapos magkakalamigan kapag may masamang nangyari.
Dapat maging masaya kayo sa relasyon niyo lalo nat tanggap kayo ng mga magulang niyo. Yung iba almost perfect ang relationship nila. Pero ang problema hindi nila mapakilala sa magulang nila. Dahil sa takot na baka paghiwalayin sila.

NINGAS KUGON
Yung tipong nalandi ka lang ngayon. Mahal mo na.
Naipangako na ang lahat sayo. Pumayag ka na agad.
Mahal ka daw ng buong buhay niya. Pero ano? Iniwan ka?
Ningas kugon.
Naipangako na ang lahat sayo. Pumayag ka na agad.
Mahal ka daw ng buong buhay niya. Pero ano? Iniwan ka?
Ningas kugon.
Ito yung relasyon na sa mga unang dalawang buwan lang kayo sweet. Tapos parang wala na lang. Parang isang malamig na hangin. Parang isang taong nag ka amnesya na nakalimutan na ang mga ipinangako, mga pinagsasabi makuha lang ang matamis mong OO. Akala mo kayo na talaga. Yun pala hindi pa. Akala mo lang. Kasi, may bagay na gusto lang pala siya sayo. Siguro alam mo na yun.
Yung taong hindi mo matiis.
- Kahit anong kasalanan niya kaya mo siyang patawarin.
- Kahit na nagmumukhang tanga ka na. Patuloy mo pa rin siyang pinapansin.
- Kahit na hirap na hirap ka na lagi mong sinasabing ok lang.
- Kahit na malungkot ka sinasabi mo sa kanya masaya ka na.
- Kahit ilang beses ka niyang lokohin, wala ganun pa rin. Iisipin mo na lang na parang walang nangyari.
- At higit sa lahat, May mahal nang iba. Andiyan ka parin.
Ang pag ibig ay parang ngipin
Kapag masakit wala kang magagawa. Nakakapanghina kapag nasaktan ka. Kahit gaano kang kabuting tao. Kapag nasaktan ka ng taong mahal mo wala kang magagawa kundi magmukmok sa isang kwarto o sulok. Parang sa ngipin, kahit gaano ka kalusog manghihina ka sa sobrang sakit nito kaya kang patumbahin kahit gaano ka kalaki.
Kapag hinambing ulit sa pag-ibig. Mawawala ang sakit ng puso kapag may taong handang tumulong sayo.
Parang sa ngipin. Kailangan mo ng dentista para mawala sakit ng ngipin.
Sa pag-ibig naman. Kailangan mo ng panibagong tao para onti onting mawala ang sakit.
Ang matinding pinagkaiba lang nito. Yung ngipin isang araw lang na masakit pwede nang bunutin.
Pero ang pusong nasaktan? Buwan? Araw? Taon? Bago ulit makahanap ng taong papalit.

Pangit sa babae ang naghahabol
Panget sa babae ang naghahabol.
Dahil unang una palang babae dapat ang hinahabol. Kahit saang kultura ka pumunta. Hindi naghahabol ang babae. Sabi nga nung napuntahan kong Love Event. Ang babae magpapaganda lang yan sa bahay nila. Tapos magiintay ng lalakeng matapang na manliligaw sa kanila.Noong ginawa ng Diyos ang babae. Ang iniisip niya noon ay Beauty. Kaya kayo ang lumabas na magandang produkto ng panginoon.
Kung malalaman mo noong unang panahon pinagsisibak pa ng kahoy ang mga lalake ng mga magulang ng babae maligawan lang ito o kaya makuha ang matamis na OO nang magulang na pwede nang umakyat ng ligaw itong si LALAKE.
Tandaan mo rin na ikaw ang MARIA CLARA ng lalake. At hindi MARIA OZAWA.
Nakakalimot ang ibang babae na dapat lalake ang gumagawa sa kanila nun. Oo pwede kang magmahal. Pero ang maghabol? Imposible un e. Siguro pwede ka maghabol kung may anak sayo yung lalake. Pero kung single ka naman at ang problema lang ay hindi ka niya mahal. Aba iwan mo! Hindi niya alam yung babaeng pinakawalan niya. Hindi niya alam yung mga bagay na pwede mong magawa sa kanya.
Kaya sana sa mga babae. Matutong respetuhin ang sarili. Minsan may mga lalakeng nag tatake advantage. Kapag alam nilang naghahabol ka, pwede ka nilang abusuhin pero sa huli ikaw ang kawawa.Payong kaibigan ito dahil ako ay isang lalake. Concern lang ako sa mga nararamdaman ng babae.
Hindi sinasadyang mahalin ang kaibigan
Madalas mangyari ito.
Wala ka nang matakbuhan. Kasi sinugal mo na sa isang relasyon ang iyong kaibigan.
- Sino ba naman ang hindi ma iinlove? Kung kayo yung magkaibigan na laging sweet.
- Sino nga ba naman ang hindi maiinlove sa kaibigan na laging nandiyan para sayo.
- Sino nga ba naman ang hindi maiinlove sa kaibigan na tuwing may umaaway sayo siya yung reresbak para ipagtanggol ka.
- Sino nga ba naman ang hindi maiinlove sa kaibigan na wala nang ginawa kundi mag-alala sayo lagi kung ano na nangyayari sa buhay mo.
- Sino nga ba naman ang hindi maiinlove sa kaibigan na isang tawag lang nandiyan na agad sa likod mo.
Wala ka nang matakbuhan. Kasi sinugal mo na sa isang relasyon ang iyong kaibigan.
Kahit sino walang idea kung kailan darating yung taong mahal nila.
Kung may idea kasi ang tao. Maghahanap pa ba ito? Edi walang thrill mag mahal.
Walang taong gagawa ng effort. Walang magpapakahirap. Kasi sa una palang kung alam mo nang hindi siya talaga sayo. Mag effort ka pa ba? Kaya tayo binigyan ng salitang “TIWALA”. Dahil dadating ang araw na magtitiwala ka lang sa tao na yun na sana siya na nga. Hanggang sa dumating sa araw na kailangan niyo nang ipaglaban yung pagmamahalan niyong dalawa.
Kung hindi talaga kayo para sa isat-isa. Hayaan niyo. May mga taong bagong dadating. At totoo yung kasabihang kung kayo kayo. Kung maghihiwalay man kayo ngayon. Malay niyo sa ibang pagkakataon maging kayo ulit.
Masyado lang kayong naguguluhan sa mga bagay bagay, Kaya nangyayari yung mga hindi inaasahan.

Mahirap kapag nasanay ka na lagi siyang nandyan.
Minsan kahit ok ang relasyon niyo. Dapat iniisip mo rin na magtira ka dapat sa sarili mo. At hindi lahat sa relasyon mo. Kahit na buo ang tiwala mo diyan. Kahit na sobrang mahal mo yan.
Dapat meron pa rin dapat sa sarili.
Mga kaibigan mo. Pati magulang mo sinusuway mo. Hindi mo na sila sinasamahan kapag nagpapasama sila sayo. Natuto ka nang sumagot dahil sa may sinasabi silang hindi maganda sa karelasyon mo.
Paano nasanay kang kasama mo siya. Hindi lang sa kanya iikot ang mundo mo. Napakaraming bagay ang tumutulong para umayos ang pagkatao mo.
Dapat meron pa rin dapat sa sarili.
Parang alak lang yan. Huwag kang magubos kapag makikipaginuman ka. Para makauwi ka.Ginawa mong buhay ang relasyon niyo e. Iniwan mo yung ibang taong malalapit sayo.
Sa pag-ibig naman huwag kang maguubos ng pagmamahal sa sarili mo para naman maka move on ka.
Mga kaibigan mo. Pati magulang mo sinusuway mo. Hindi mo na sila sinasamahan kapag nagpapasama sila sayo. Natuto ka nang sumagot dahil sa may sinasabi silang hindi maganda sa karelasyon mo.
Paano nasanay kang kasama mo siya. Hindi lang sa kanya iikot ang mundo mo. Napakaraming bagay ang tumutulong para umayos ang pagkatao mo.
REBOUND
Ito yung taong nagmamahal ng ibang tao para makalimutan lang yung isa.
Kung baga ikaw yung sumalo. Parang sa basketball. Yung bola para pumunta sayo. Kailangan mo i rebound.
In short.Pwede rin nating sabihin Panakip butas.
Marami rami na rin ang gumagawa sa ganitong paraan. Panandaliang kasiyahan lamang. Pero ang totoo ang tunay nilang mahal ay yung taong nangiwan sa kanila.
Sa rebound relationship. Maaring hindi alam nung isa na rebound siya. Dahil nung araw na tinanong siya kung mahal ba naman talaga siya. Sinabi nung isa na OO.
Pero sino nga ba naman ang aamin kung rebound lang niya yung isa diba? Edi hindi pumayag.
Minsan ang rebound ay ang mga taong hindi matimbang ang pagmamahal. Mga taong naguguluhan. Maaring mahal niya yung taong nangiwan sa kanya. Pero pwede ring naawa lang siya dun sa isa. Pwede rin namang mahal rin niya pero mas mahal niya talaga yung isa.
Akala mo masaya na kayo. Tapos bigla na lang siya mag sasabing
“Sorry, rebound lang kita.”

Mas okay na yubg tahimik ka magmahal pero maingay ka magparamdam
Hindi yung puro salita lang. Mas maganda kung hindi niya sinasabi sayo ang mga bagay na gagawin sayo. Umpisa palang ng relasyon niyo an dami nang pangako. Puro pangako.
Promise dito. Promise doon.
Mga nakakapag sabi ng pangako dahil masaya pa silang kasama ka. Pero makakalimutan nila yun sa oras na hindi na sila masaya sa pamamalakad ng relasyon niyo. Sa mga nangyayari sa inyo.
Hindi bat maganda kung ang lahat ng gagawin niya sa iyo ay sorpresa? Yung tipong wala kang kaalam alam na gagawin niya yung mga malalambing na bagay sayo. Hindi yung sasabihin niya sayo na ililibot ka niya sa buong mundo. Pero dumating yung puntong nag break na kayo. Hindi man lang niya nagawa iyong bagay na yun.
May mga ganung tao lang siguro talaga. Yung parang mga karpintero.
Mahilig magpako ng mga pangako.

Sabado, Marso 12, 2011
Mga bagay na gustong maranasan ng taong gustong pumasok sa relasyon.
- Ang laging may kausap.
- Ang may ka holding hands.
- Ang may kasama mag shopping.
- Ang may kasamang manuod ng sine.
- Ang may masasabihan ng problema.
- Ang may kakampi lagi.
- Ang may mapagkakatiwalaan na tao.
ANG KAIBIGAN.
Ang unang pinag seselosan nang taong nagmamahalan. Gusto ata eh kunin na lahat ng tao sayo. Tapos siya pa gala gala lang ano? Kasama ang kaibigan niya. May mga pagkakataon pang lahat na lang ng ginawa mo sa kaibigan mo eh napakalaking deal na sa taong karelasyon mo para pag selosan ito.
Gusto ka niyang ikulong sa mundo niya. Nagiging paranoid na siya. Patay tayo diyan. Lahat ng hindi mo ginagawa iniisip niyang ginagawa mo. Bakit niya naiisip ang mga bagay na yun? Kasi my idea siya na ganun din ang gagawin niya. Hindi niya maiisip un kung wala siyang balak gawin. Pwedeng balak palang gawin pero malay mong nagawa na din niya pala yun.
Hindi tama na pag selosan ang kaibigan. Dahil ito ang mga unang nag alaga sa taong mahal mo. Sila ang mga kumupkop habang hindi ka pa dumadating sa buhay niya.

Mga naging kriminal dahil sa pag-ibig.
Pati mga kriminal ito ang dahilan. Hinanap nila ang pagibig na ramdam nila ay nawala sa kanilang sarili. Maaring pag-ibig galing sa ibang tao.
May mga taong nakakapatay dahil sa selos. Mapapanuod mo sa mga balita yan. Kinain ng nararamdaman ang kanyang pag iisip at ito na lang ang nagawa niyang paraan para gumaan ang loob niya sa maling paraan. Paano pa nga ba naman mababalikan kung patay na ito diba?
May mga taong nag nanakaw para mabuhay ang pamilya - isa sa mga kahinaan ng loob lalo nat mahal niya ang pamilya niya. Pero sa maling pamamalakad ulit. Magnanakaw siya para may maipakain sa pamilya niya. Mga pagkain at pera na galing sa nakaw. Sa tingin ba nila maiibsan nila ang kanilang buhay kung ganto lagi ang gagawin nila?
May mga kriminal na mang hohostage ng tao - ginagawa ito ng isang tao kapag iniwan siya at hindi niya matanggap na nangyari ito. Kinukuha niya ang atensyon ng media para mapanuod sa TV o kumalat ang balita. Minsan dahas ang katapusan nito. Pagmamahal na kinunan ng buhay. Mga taong sarado na ang isip sa mga pwede pang mangyari. Pag iisip sa utak na kinain ng puso nang pag mamahal.
Mga holdaper ng bangko - pansin mo bat kahit anong tutok nila ng baril sayo eh hindi nila mabaril ito? Depende nalang kung halang ang kaluluwa nito. May mga taong napasama lang dito dahil gipit lang talaga sa pera. Para mabuhay ang pamilya. Hindi nila kayang kumikil ng buhay ng tao. Pero kapag nagmatigas ka. Eh hindi sila mag dadalawang isip kunin na rin ang iyong buhay.

May mga taong benefit lang ang habol sa relasyon.
Makikipagrelasyon sa kanya kapag may kotse - matinding benefit to. Siguro sa babae madalas to. Dahil bibihira mag drive ang babae. At karamihan nito ay lalake. Kaya nga may kasabihang ” Kapag may auto ka. Kahit sinong babae kaya mong pasagutin “. Siguro ito ang benefit na iwas hassle sumakay kasi ihahatid ka. Makakagala ka. Nang walang ginagastang pera.
Makikipagrelasyon kasi alam na may pera ka - Pera nga naman. Nagagawa nga naman nang pera. Alam niyang may makukuha siya sayo. Ito ang mga taong ” GOLD DIGGERS” onting lambing. Papabili ng ganito. Papabili ng ganyan. Walang natapos na bilihan. Ano pa ba ang iba?

- Magpapalibre ng sine.
- Magpapalibre sa restaurant na hindi mo pa nakakainan.
- Magpabili ng stufftoy.
- Magparegalo ng alahas
- Manghingi ng load.
Ang mga taong nagmamataas ay ang mga taong masasaktan kapag nalaglag kung saan man sila nakatayo ngayon.
At ang taong mapagkumbaba ang mga pinagpapala. Mahulog man sila. Siguradong makakatayo sila.
Dahil hindi sila marunong mag mataas. Hindi nila alam ang kayabangan na taglay ng ibang tao. Basta buhay sila at maraming kaibigan. Ayun na ang pagmamalaki nila. Hindi tulad ng ibang tao na +1 lagi sila. Yung tipong hindi mo malamangan dahil gusto nila sila lagi ang bida.

Yung taong unang maiisip mo pag gising mo sa umaga.
Laging nangyayari to.
Kakamustahin mo yung taong yun sa isip mo. Kamusta na kaya siya? Ano na kaya ginagawa niya? Busy kaya siya? Kumain na kaya siya?
Mga simpleng tanong na hindi na kailangan ng simpleng sagot.
Dahil ok na tayong naiisip sila. Kesa sa tayo ang maalala. Ok na yung tayo ang nakakaisip kesa na sila ang makakaalala. Eh pano kung parang wala lang tayo sa kanila diba? Baka agang aga masira mood mo. Dadalin mo maghapon yan.

Negative times Negative = Positive.
Sa Math oo. Sa tunay na Buhay hindi.
Kapag ang dalawang taong negative ang nagsama. Jusko walang mangyayari sa inyo. Kailangan lagi kayong positive pareho. Ok na yung may isang negative. Basta malakas manghatak tong si positive. Dahil iba ang may kasama kang maganda ang pananaw sa buhay. Madadala ka niya bilang isang tao. Pwede ka niya maging inspirasyon. Kapag nabago mo ang negative side ng tao na yun.
Napakaswerte mo. Nagbago siya dahil sayo. Huwag ka agad susuko dahil masama ang ugali niya. Pinili mo yan. Mahal mo yan.

Sabi nga hindi mo pa lubos na makikilala ang tao kapag hindi pa nagiging kayo.Kasalanan mong hindi mo pa lalo siya kinilala.Kaya gawin mo ang lahat ng paraan para magbago ito sa ikakabuti niya. Meron nga diyang apat na naging asawa pero pinili pa rin niya itong mahalin. Tinanggap niya pa rin. Sa kabutihang palad siya na ang naging huli. Siya na ang naging huling asawa. Hindi ko sinasabing mag asawa ka rin nang apat o mag syota ka nang lalake/babaeng may apat na. Ang ipinapaliwanag ko dito ay.
LAHAT NANG TAO AY MY TIYANSANG MAGBAGO.Kapag hindi pa siya nag bago. Iwan mo na siya. Baka ikaw eh maging negative na rin. At siya na ang positive para sayo. Tipong siya na lang ang iniikutan ng buhay mo. Mali na yun. Hanggat maari dun lang tayo sa side na positive ka lang. Bawat galaw eh kailangan ng kaukulang desisyon. Dahil lahat ng desisyon eh tatama sa katauhan ng isang tao.
Kung gusto nang taong makasama siya sa buhay mo. Gagawa ito ng paraan para makapasok dito.
Hindi porket sinabi niyang gusto ka eh totoo na agad yun. Hindi bat masa maganda kung mapapatunayan niya muna ito? Yung hindi siya padalos dalos sa mga desisyon.
Kailangan ng sapat na oras at sapat na effort para maniwala ang babae sayo.
Pag sinabi niyang magpapakamatay siya dahil mahal ka niya. Murahin mo siya. Sarap niyang kotongan kamo. Paano ka niya mamahalin kung patay na siya? Hindi totoo yung ikaw ang buhay niya. Dahil may sarili siyang buhay. Kung sinabi niyang gusto ko i share sayo ang buhay ko. Eh dun ka maniwala. Alam niyang gamitin sa maayos at wasto ang bawat salita. Seryoso siya sayo.
Kaya wag tayong padalos dalos. Parang magnet lang yan. May taong lalapit at lalapit sayo. Kung kayo talaga ang magkakadikit. Kasi ang taong nakatalikod at hindi para sayo hindi didikit diba? Parang magnet nga lang.

Kung magmamahal ka ng tao.
Siguraduhin mo unang una eh handa kang masaktan. Dahil hindi puro sarap ang iyong pinuntahan. Para kang pumasok sa giyera. Na ipaglalaban mo kung ano ang nararamdaman mo. Kayo ang magkakampi dito. Minsan sa gerang ito, hindi niyo maiiwasang mag away. Dahil ang problema ang inyong kaaway. Dahil hindi kayo magkaintindihan. Kayo ay mag sisigawan. At dahil dito napagtataasan ka na niya ng boses.
Kung magmamahal ka siguraduhin mong mahal mo talaga. Yung tipong wala na talagang iba. Kung baga siya na lang at wala ng iba. Ang panget naman kung mahal mo siya tapos may iba ka. Ano yun lokohan? Ano yun? Dalawa puso mo? Bakit hindi mo i transplant o i donate yang isa. Nakatulong ka pa sa taong nangangailangan.
Handa kang magpatawad. Ito dapat ang laging iniisip ng taong nag aaway. Hindi naman wrestling ang relasyon na kailangan na lang lagi mag away. Dapat lagi kayo magkabati. Kapag may kasalanan ang iba. Eh kung hanggat maaring mapatawad mo ay gawin mo. Nag sosorry na nga e. Alam mo naman siguro kung concern na siya ngayon. Kapag hindi mo napatawad ang isang tao. Dito siya magsisimulang manglamig. At baka maghanap ng iba to.
Handa ka sa pwendeng mangyari. Hindi porket mahal niyo ang isat isa ngayon eh hindi na kayo mawawal sa bawat isa. Tandaan mong nasa relasyon palang kayo. Yung mga taong nagsumpaan nga nag kakahiwalay pa. Kayo pa kayang nasa relasyon pa lang? Maging matapang para sabihing sapat na ang ipinakita ko para mahalin ka. Para kapag iniwan ka. Hindi ikaw ang may kawalan kundi siya.

Paghahanap at pag hihintay.
Ang lalake hinahanap ang pag-ibig.Hindi pwedeng kami ang maghintay. Ano kami prinsesa? Maghahanap ng babaeng manliligaw samin?
Ang babae naghihintay.
Sa babae, oo gusto mo siya pero wag ka namang magpahalatang siya naman talaga ang gusto mo. Lalong magpapakipot yan. May pride ang lalakeng hindi maintindihan. May pride ang lalake tungkol sa nararamdaman. Ganyan katapang yan mga yan. Pag alam nilang may gusto ka sa kanila. Minsan take advantage pa nila sayo yun. Hindi ko nilahat ang lalake. Dahil lalake din ako. At hindi ako kabilang dito.
Mahirap sa mga nagpapayo ngayon nagiging stereotype. Kapag walang bf ang mga lalake laging sasabihin maghintay ka lang. Ang hirap mag hintay sa wala noh. Lahat naman ng bagay eh hindi gagalaw hanggang walang force diba? Force of inertia ika nga. :))
Kaya ayon. Alam mo na ngayon. Di mo masasabing depende sa sitwasyon. Dahil dadaan ka ba sa sitwasyon na ikaw ang manliligaw? HA? BABAE KA? gusto mong sabunutan kita diyan?
Sa lalake ulit, tsong gusto mo nang kutos? Kunwari babae ka? Galangin mo yan. Chicks yan e. Mahalin mo yan walangya ka. Ang hirap hirap mag hanap ng taong mamahalin pag lalaruan mo pa.
Different Love story. Same ending.
Iba iba nga ang istorya ng pag-ibig. Pero kapag iniwan ka pareho lang ang ending nito. Lahat tayo nasaktan. Lahat iniwan. Lahat napaiyak.
Ang kulet ng buhay no? Kung kailan handa mong ibigay lahat. Tska ka iiwan ng taong minsan pinagkatiwalaan mong hahawak ng buhay mo.
Ang kulet ng buhay no? Kung kailan handa mong ibigay lahat. Tska ka iiwan ng taong minsan pinagkatiwalaan mong hahawak ng buhay mo.
Walang masama kung ikaw ay single. Malaki lang ang iniba kapag meron.
Mas ok muna maging malaya. Kasi magagawa mo ang mga bagay na ito.
- Pwede kang magpagabi na walang nagagalit.
- Wala ka dapat baguhin sa sarili mo o itsura mo.
- Nakikita ng mundo na kaya mong alagaan ang sarili mo.
- Mas maganda kung may kasabay o ihahatid ka pauwi.
- Yung hindi mo na rin magpaganda/magpagwapo dahil ikaw na ang pinakagwapo/maganda sa paningin niya.
- Yung may taong kapag hindi mo na kaya ang pagsubok ay iaabot ang kamay nila sayo para ka itayo.
Ang taong martyr ay mga taong wala nang ibang alam kundi ang magmahal.
Ito ang mga taong umaasa na magbabago pa ang mga karelasyon nila o taong gusto nila. Sila ang mga taong kahit sila ay hindi na masaya. Patuloy pa rin nilang gagawin ang mga bagay kahit na hindi nila ito pinapansin.
Kahit na binabastos na silang harapan eh ayos pa rin. Mga taong busilak ang puso. Mga taong alam at marunong mag mahal. Mga taong akala nila yung tao na yun na talaga ang para sa kanila. Hindi nila alam. Na sa oras na makawala sila sa kulungan nang kalungkutan.
Doon nag aabang ang isang taong nagaabang na may pinto ng kasiyahan at kapayapaan.

Hindi porket busted ang isang lalake eh kailangan niya ng tamang oras para maghanap ng bago.
Minsan sa buhay ng pag-ibig hindi maiiwasan ito. Isang pusong nagmamahal sa isang taong bato ang nararamdaman.
Ang madalas tanong ng mga taong ito ay.
Ang madalas tanong ng mga taong ito ay.
- Paano ako magsisimula ulit?
- Sino ang susunod?
- Kanino ulit ako magpaparamdam?
- Masasaktan pa kaya ako kapag may nakita kong may iba na siya?
- Kailangan ko bang kalimutan na talaga siya?
- Magseselos ba ako kung may iba na siya?
- May naiwan pa ba sakin?
- Ano nalang sasabihin nang iba kapag naghanap/nakakita agad ako?
- Dapat ko pa bang isipin ang nararamdaman niya?
- May taong hihigit pa kaya sa kaya kong ibigay sa kanya?
- Nasa akin na ang lahat nang gusto niya. Bakit ibang tao pa rin ang gusto niya?
- May mas better pa sakin.
- Bakit ako? May iba pa naman.
- Friendship lang kaya kong ibigay.
- May mahal akong iba eh.
- Hinihintay ko lang siya.
- Sabi niya kasi sakin babalik siya.
- Marami pang babae diyan <— THIS
- Ano ba kasing nagustuhan mo sa akin?
- Hindi tayo talo.
- atbp.
Hindi pwedeng kung ano ang nangyari ngayon eh pwedeng maulit ng ganun ulit.
Kung ikaw ay naguluhan. Papaliwanag ko na lang.
Hindi porket nangyaring sweet kayo ngayon ay bukas eh ganun pa rin kayo. May mga kasabihan ngang ” COLD AIR” ” DEAD AIR”. Yung tipong halos nasabi mo na lahat sa kanya eh. Meron ka pa bang idadagdag? Ang mahalaga di man kayo sweet ngayon. Eh mahal niyo ang isat-isa. Mahirap din pag palaging sweet. Ge ka ikaw rin. Baka mag ka diabetis ka.

Kapag nagmahal ka panibagong yugto ang magbubukas sa buhay mo.
Dahil panibagong buhay at pagsubok ang tatahakin mo. Kung baga sa laro ng Super Mario, next stage ito. Ito ay kadahalinan na ikaw ay matututong magmahal. At sa yugto nang buhay mong ito. Dito mo mararanasan maging sobrang saya, maging sobrang kiligin, sobrang maalagaan ng taong mahalaga sayo.
Sa yugtong ito, tandaan mong ikaw rin ay masasaktan. Ikaw ay magkakamali. Minsan hindi niyo maiiwasang magkasakitan, Siguro ay nakakalimot kayong dalawa sa mga responsibilidad niyo sa isat-isa. Ano man ang mangyari, ang mahalaga kayong dalawa ay nagkakaintindihan, kayong dalawa ay nagmamahalan. Wala kayong gagawin kundi intindihin ang isat-isa. Hanggang sa hirap at ginhawa.

Sa oras na mag fail ang isang relasyon. Maaring isa dito ay bumaba ang self confidence.
Minsan ang relasyon sa kaibigan. Kung hindi naging matagumpay ang panliligaw ni lalake. Maaring bumaba ang self confidence niya. Sasabihin anong mali sa kanya. Mag uumpisa siyang ma curious sa itsura niya. Sa pangangatawan niya. At lalong lalo na sa ugali niya. Nagiging matapang ang isang lalake kapag umamin daw siya sa isang babae. Pero paano nga kung ganun ang mangyari? Masakit para sa lalake yun. Hindi porket lalake eh hindi na marunong masaktan, porket nasabihang ang mga lalake ay matatapang ay hindi na ito marunong umiyak o masaktan? Tao lang rin ang mga lalake. Sa mga babae naman bumababa ang self confidence nila kapag iniwan sila ng isang lalake sa isang relasyon. Minsan yung iba sasabihin pa maganda naman ako. Bakit ako iniwan? Minsan hindi sapat ang ganda ng isang tao. Maaring ang ganda mo ay nakakasawa, nakakasura na sa katagalan. Maaring maganda ka nga pero nagbago naman ugali mo. Minsan kailangan mong tumingin sa salamin. Isipin lahat ng posibilidad bakit niya nagawa sa iyo yun. Minsan bumababa ang self confidence ng mga kababaihan dahil pinagpalit sila ng lalake sa mas panget sa kanila na babae. Minsan iisipin nang babae na ano meron dun sa taong yun? At ipinagpalit ako. Minsan wala ka nalang magagawa. kundi tanggapin ito.
Biyernes, Marso 11, 2011
Ang buhay pag-ibig ay parang pelikula.
Ang buhay ay puno ng drama. Kung ano ang napapanuod eh minsan nangyayari ito. Pero wag mo asahang laging kaya gawin ng tao ang mga napapanuod mo.
Naguumpisa ang pagmamahalan ng dalawang tao sa sumpaang hindi nila iiwan ang isat-isa. Pero darating ang araw na makakalimutan ang sumpa. Ang sumpa na inyong ginawa ay walang makakapigil kundi isa sa mga taong sumumpa. Kaya napakamapangyarihan. Hindi magagalaw ang relasyon niyo ng iba.
Sa pelikulang ito. Laging masaya sa una.
Sa kalagitnaan may mga taong makikilala.
Sa bandang huli mag aaway.
May mga pagkakataon na natatapos ang pelikula na hindi nakatuluyan ng bida ang leading lady niya.
May mga pagkakataon na super ganda ang nangyari sa kanila at doon natapos ang pelikula.
Marami tayong sinasabi para makuha ang puso ng isang tao.
Nasasabi natin ang mga bagay na ito dahil alam nating kaya nating gawin.

Kailangan natin gisingin sa sarili natin na ang pelikulang ating ginagalawan ay real life drama. Walang director. Walang writer. Walang producer. Kundi one man team ka. Ikaw lahat ang magpapasya. Ikaw ang aarte, ikaw ang gagalaw, at ikaw ang artista.
Lesson: Hindi lahat ng taong sa palagay mo’y espesyal ay dapat mong makarelasyon.
Minsan, tama na yung alam niyo na mahalaga kayo sa isat-isa. Kesa nga naman sa magkasakitan pa kayo diba? Kesa naman na puro sumbatan pa ang mangyari sa inyo diba?
Minsan parang nawiwili ka lang sa kanya kasi parang laging magaling siya. Gusto mo siyang makasama kasi lagi siyang masaya. Sa likod ng bawat ngiti ng isang tao. Ay meron itong laging tinatagong kalungkutan.
Dapat alalahanin natin ang makitid na pagitan ng pagiging espesyal at ng pagmamahal.

Mga reason bakit nagchicheat ang tao sa 1 relationship?
- Siguro nag sasawa na ito sayo.
- Hindi na ikaw yung dating gusto niya.
- May pagkakalabuan kaya nag hanap muna nang iba.
- Hindi marunong makuntento yung taong mahal mo.
- Malay mo hindi pala ikaw yung chinicheat. May iba siyang chinicheat. Ikaw pa ang lumabas na kabit.
- May mga bagay na gusto niya pero ayaw mo.
- Malaki ang demand. In short demanding.
- Malikot ang isip niya, pati ang kamay, sobra ang kati. Hindi makuntento sa isang babae/lalake.
- Ganun lang talaga siya. Isa siyang cheater.
Standards.
Maraming tao ang malalaki o mataas ang standards. Parang tourism ang kailangan para makapasa ka sa puso nila.
Kaya ka nag iisa. Gusto mong itulad sayo yung nakikita mo sa iba. Paano yan? Mataas na standards mo mataas pa pride mo. Paano ka niyan? Tapos aangal kang walang magkagusto sayo eh ang standards mo naman eh daig mo pa ang isang taong mag aapply ng trabaho. Ano ba ang hanap ng ibang kababaihan?

- Matangkad
- Moreno o Maputi
- With Pleasing personality
- Macho
- May kotse
- May laman ang bulsa.
- Singkit o chinita
- Medyo matangkad
- Maputi pero pwede rin ang morena.
- Sexy.
- Magaling sa lahat ng bagay.
- Malambing
- atbp.
Ang pagmamahal ay parang USB (Flash Drive).
Isave mo ang lahat ng alaala mo sa taong mahal mo.
Pwedeng magbura ng files na nasave na.
Ibig sabihin ito ang gawin mong alaala. Nang mga pagsasama niyo pati mga ginawa niyo sa isat-isa. Para lagi mong makikita o maalala.Ang USB pwede mo dalin kahit saan.
Parang pag-ibig. Pwede mong dalin kahit saan. Proud ka pa nga at meron nito. Parang usb. Minsan sinasabit pa sa ID para masabing may USB ka. Parang pagmamahal din. Sinasabit mo sa puso mo yung taong mahal mo para makita nila.Sa oras na nasaktan ka ng pagibig na ito. Tandaan mo ang USB ay.
Pwedeng magbura ng files na nasave na.
Parang sa pagmamahal. Pwede mong burahin yung mga panget na nakaraan sayo at itira yung magagandang nangyari sayo. Sayang naman kung buburahin mo lang rin. Pinaghirapan mo rin naman yung iba dun no.Pero may oras na navivirus ang USB. Kailangan i reformat.
Kung ihahalintulad sa pagmamahal. Ang pag-mamahal kapag na virus ito. O sabihin nating nagkaroon ng lokohan dito. Yung tipong sa ganda ng relasyon niyo eh nagawa niya pang manloko. Sa tingin ko dapat nang ireformat ito. Puro lokohan lang pala ang nangyari sa inyo. Pina asa ka niyang iisa ka lang sa kanya. Marami pala kayong FILES sa puso niya. Ireformat mo na yan. At humanap ng bagong taong ilalagay sa Flash Drive mo :)
Hindi bat nakakatakot na dumating yung araw na hindi ka na rin mahal ng taong mahal mo?
Yung darating yung araw na hindi mo alam kung ano na ang nangyayari sa inyo.
Hindi na kayo tulad ng dati.
Hindi na kayo ganun kalambing sa isat-isa.
Ang lamig niyo na sa isat - isa.
Ikaw naman tong si tanga. Nanahimik na lang.
Nagmukmok ka nalang diyan.
Parang nanunuod ka ng lingas ng katol na maubos. Isang flashlight na puno ng ilaw na hinihintay mong mapundi. Parang kandila na iniintay mong maubos.
Wala tayong magagawa. Naging kayo man o hindi. Kapag hindi ka na mahal. Wala ka nang magagawa kundi tanggapin ito.

Kapag hindi ka na mahal ng taong mahal mo. Ano ba dapat ang gawin mo?
Maghanap ng iba.
Sabi nga walang gamot sa tanga kundi pag kukusa. Mahirap ipagpilitan ang sarili sa piling ng iba. Puro sakit at poot lang ang mararamdaman mo. Mabuti pang maghanap ka ng iba. Yung ibang magpapasaya sayo at magpapaligaya sayo.Sumama ka sa lakad ng mga kaibigan mo.
Ito lang ang pinakamatinong payong maibibigay ko. Dahil sa kaibigan nandoon yung ligayang sila lang ang makakapagbigay. Sila ang mga instrumento ng kasiyahan. Ang susi ng tawanan. Ang matibay na sandigan.Iiyak mo lang
Oo, iiyak mo lang. Lalake ka man o babae. Ibuhos mo yan. Kung may kwarto ka. Mag kulong ka. Doon mo ibuhos lahat. Tanungin mo sarili mo. Bakit naging ganun? Malay mo ikaw pala may kasalanan. Bigla ka pang tumawa diyan.Magbasa ka ng mga magagandang nobela.
Marami ang filipino authors diyan. Andiyan si Bob Ong, Si Ricky Lee, at si Eros Atalia. Sila ang mga naging inspirasyon nang karamihan. Maaring ako rin. Kaya ko naisusulat ang mga bagay na ito.Magsimba ka
Bago mo mahalin ang ibang tao. Bakit hindi mo mahalin ang tao na gumawa nito? Ang taong gumawa ng lahat. Kausapin mo siya. Siya lang ang makakaintindi sayo. Huwag kang mawawalan ng oras sa kanya. Pag siya ang nawalan ng oras sayo. Kawawa ka naman.
Mga bagay na pinagsasabi ko.
Ang mga bagay na pinagsasabi ko ay maaring i apply sa buhay ng ibang tao.
Pwedeng gawing inspirasyon.
Pero hindi ko sinabing lahat ay gawin mo.
Gawin itong dictionary ng mga bagay bagay na hindi mo alam.
Gawing reference ang mga ito.
Halos lahat naman ay positive ang pinaglalagay ko.
Magbasa ng magbasa. Nang maraming matutunan.
Kapag tumitig ka lang. Walang mangyayari sayo.
Tandaan mong iba iba ang love story natin. Pero halos magkakapareho tayo ng mararanasan kapag dumating ang oras na nasaktan tayo lahat. Tandaan mong mas madaming paraan para maging masaya sa isang relasyon. At kaya nagkakaparepareho tayo nang mga pangyayari kapag nasasaktan tayo. DAHIL ONTI LANG ITO.

Minsan kaya hindi nag wowork out ang relationship ng isang tao.
Kasi hindi talaga kayo yung nakalaan para sa isat-isa.
Sabi nga umpisa palang bago ka ipinanganak may nakalaan na para sayo.
Pagaaralan lang natin o dadamhin ang taong ito.
Sa atin binigay ang responsibilidad para maghanap.
May mga darating sa buhay natin na magiging parte lang nang buhay natin.
Mga instrumento kung pano tayo magiging mas malakas na tao.
Malakas na personalidad. Malakas at matibay na damdamin.
Binibigyan tayo ng bagong inspirasyon. Bagong taong makikilala.
Taong magpapalakas. Taong mag liligtas.
At taong mamahalin ka sa dulo ng walang hanggan.

Huwag mong hawakan kung bibitawan mo din lang.
Alam ko isa ito sa mga quotes ni pareng Bob Ong.
Kitang kita ko ang punto niya dito. ” Huwag mong hawakan kung bibitawan mo din lang”. Napakasarap basahin. Napakasarap ipaliwanag.
Ibig sabihin nito wag kang hahawak ng relasyon kung iiwan mo din lang. Huwag kang hahawak ng kamay ng tao kung bibitawan mo din lang. Huwag kang magbibigay nang pangako kung hindi mo rin tutuparin.
Marami satin ang sasabihing hindi tayo iiwan. Pero sa huli tayo ang nag-iisa.
Ang bilis mag sawa ng tao. Bakit ganun? Ginawa mo naman lahat.

Huwag mong baguhin ang sarili mo para magustuhan ka ng isang tao.
Kung gusto ka talaga nila, tatanggapin nila kung sino ka man. At hindi mo na kailangang palitan ang sarili mopara sa kanila.
Sabi nga “Love moves in mysterious ways”.
Kaya dapat alam mo una palang bago mo siya mahalin ang tunay na katauhan niya. Kasi ang mamahalin mo hindi yung nasa labas ng maskara na nakikita mo eh. Kundi ang tao sa loob ng maskarang iyon.
Bonus na lang ang itsura ng tao eh kung tutuusin. Napakarami diyan handang mag mahal ng wagas tulad ng ginagawa mo.
Huwag na tayong mag expect nang mga pang koreanovelang mga itsura. Ayos na yung ikaw ang maganda sa kanya. At siya naman ang maganda sa paningin mo.

Lagi mong tatandaan na malakas ang appeal ng blogger.
- Dahil malalim siyang magmahal.
- Masarap siyang magmahal.
- Sa dami ng nababasa niya maari niyang gawin sa iyo yun.
- Sa dami ng nabasa niyang magagandang bagay maaring maging aral sa kanya yun.
- Swerte ka. Kasi pwede niyang ikalat at ipagkalat sa maliit na mundong ito na mahal ka niya.
- Swerte mo ikekwento niya ang nangyayari sa inyong dalawa.
- Kaiingitan kayo ng madla.
- Pinaka sweet na tao na yan pag nakakita ka.
Mga salita na madaling sabihin pero mahirap gawin.
- Maghahanap ako ng bago.
- Marami naman diyan. Mamimili na lang ako.
- Isang beses ko lang naman iiyak to. Bukas ok na ako.
- Andito lang ako, kahit na hindi na tayo.
- Hindi na kita kakausapin.
- Babae/Lalake lang yan. Marami pang iba diyan.
- Sorry magbabago na ako.
Conditional Love and Unconditional Love.
Conditional Love: Ito ay ang pagibig na laging may consequence. Sa tingin ko ito yung mga taong sinisigurado yung future nila sa taong kasama nila. Para lalo mong maintindihan ito ang ibang halimbawa ng conditional love.
Unconditional Love: Ang swerte mo kapag napunta ka sa ganito. Wala yung mga bagay na nasa taas. Magmamahalan kayo kahit anong meron sa inyo. Sobrang kalayaan. Hindi nakakasakal. Kayong dalawa ay nagkakaintindihan. Walang hahadlang dahil ikaw ay mahirap man o mayaman. Masasabi nating kuntento kayo sa isat-isa. Para malaman mo pa ng husto bibigyan kita ng halimbawa.
Ikaw? Saan ka nahahanay? Unconditional Love? O Conditional?
- Mamahalin kita kung may sasakyan ka.
- Mamahalin kita kung may maganda kang bahay.
- Mamahalin kita kung mapera ka.
- Mamahalin kita kung hindi ka mag sisinungaling sakin.
- Mamahalin kita kung maganda ang katawan mo.
- Mamahalin kita kung ako lang ang itetext mo at i chachat araw araw.
Unconditional Love: Ang swerte mo kapag napunta ka sa ganito. Wala yung mga bagay na nasa taas. Magmamahalan kayo kahit anong meron sa inyo. Sobrang kalayaan. Hindi nakakasakal. Kayong dalawa ay nagkakaintindihan. Walang hahadlang dahil ikaw ay mahirap man o mayaman. Masasabi nating kuntento kayo sa isat-isa. Para malaman mo pa ng husto bibigyan kita ng halimbawa.
- Mamahalin kita kahit na ganyan ka lang.
- Mamahalin kita kahit na wala tayong pang date.
- Mamahalin kita di dahil sa panlabas mong anyo. Kundi dahil sa ugali mo.
- Ok na sakin kahit na ano. Basta sayo nanggaling.
- Ok lang ako basta tayong dalawa ay masaya sa isat-isa.
Ikaw? Saan ka nahahanay? Unconditional Love? O Conditional?
Destiny.
Naniniwala ka ba sa salitang destiny?
Paano kung yung taong nakatakda sayo ay di mo gusto?
Susugal ka bas a tinatawag na destiny o ipaglalaban mo yung gusto mo na nakatakda naman sa iba?
Nasa tao kasi yan e. Nasasakanila kung ipagpapatuloy nila yung destiny na yun.
Tska ang tanong diyan. Paano mo malalaman kung ayun nga yung naka destiny sayo? Hindi bat kung alam natin ang destiny natin edi dun na tayo mag pupursigi at hindi na sa ibang tao?
Malalaman natin ang destiny natin kapag sumubok na tayo sa isang tao. Kung magiging kayo at naalagaan at naintidihan niyo ang isat-isa. Hindi malabong magiging kayo.
Nasa tamang tiyaga at oras lahat ng bagay e. Sabi nga proper timing daw. Alangan naman manligaw ka ng kakabreak up lang ng bf niya. Alangan naman makipag flirt ka sa lalakeng kakabreak lang din ng gf niya.
Basta its all about timing kasi e. At yung destiny na yan sa huli na malalaman yan e. Hindi mo rin kasi masasabing destiny ang isang pangyayari kapag kayo ay ikinasal. Dahil pwede rin kayong maghiwalay.

Sa tingin ko malalaman mo lang ang destiny mo sa oras na nakahimlay ka na sa kama mo at hinihintay ang pag lubog nang araw na kasama pa rin sa tabi mo ang taong mahal mo.
I love you.
- I love you, salitang medaling bitawan pero mahirap panindigan.
- Masarap paniwalaan pero mahirap asahan.
- Higit sa lahat nagdadala ng higit na kaligayahan kahit walang katotohanan.
Kung gusto mong irespeto ka ng ibang tao. Una mo munang respetuhin ang sarili mo.
Angal ka ng angal diyan na di ka nirerespeto. Baka naman kasi kung ano na ang pinag gagawa mo diyan? Nakakalimutan mo na ang dati mong imahe bilang tao. Masyado kang nabubulag sa mga sasabihin nang tao. Sobrang conservative kang lalabas ng inyong bahay. Pero sa internet naman eh sobra ka maglagay ng kung ano. Hindi bat mas malala ang nangyari? Oo nandun na tayo sa ineexpress natin ang sarili natin.
Pero sa tingin mo. Kung nakikita ba ito ng magulang mo. Matutuwa ba sila dito?
Naranasan kasi ito ng kaklase ko. Nakita niya ang kanyang kapatid na babae ay nag popost ng sexy at ng halos lumuwang cleavage sa facebook. Ang ginawa niya sinumbong niya ito sa magulang niya at napagsabihan ang kapatid niya.
Kung sakin mangyayari to (wag naman sana). Bilang kuya hindi ko mapapalagpas ito. Kahit ako na lang ang gumawa ng aksyon. Pero papaalam ko na lang rin sa magulang ko.
Tandaan mong napakalawak at napakarami ng mata dito sa internet. Hindi ko binabasag ang trip ng kung sino man ang magbabasa nito. Hindi rin ako KJ. Kasi mas gusto ko nga maraming ganun. Kasi lalake ako. Ayun din gusto kong makita kung meron eh. Pero kung sa sarili mo. Napasaya mo nga ibang tao. Maaring bumaba naman tingin nila sayo.
Ito ay opinyon. Hinaing. At reaksyon.

Best friend.
Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang meaning ng bestfriend. Meron kasi akong bestfriend. At may iba naman akong tinatawag na bestfriend din. Sabi kasi nung iba ang best friend daw ay isang tao lang dapat. KASI daw BEST nga e. So dapat may SUPER SUPER BEST FRIEND? SUPER BEST FRIEND? SUPER OMEGA DUPER BEST FRIEND?
Ewan ko lang. Sa tingin mo nagagamit ko to kapag close na kami ng tao. Masasabi ko na siyang bestfriend. Sa tingin ko dapat pantay pantay lang ang tingin sa mga ito. Pero pipili ka lang ng tao na pagsasabihan mo ng problema mo. Dun sa taong mapagkakatiwalaan mo.
Meron ka kasing magiging kaibigan ng isang araw lang e. Kunwari nakita mo lang siya dahil kasama siya ng bestfriend mo sa mall. Depende yun kasi kung masusundan pa ng isa pang komunikasyon.

Naniniwala akong lahat ng bagay na pinagaaralan sa eskwelahan ay kailangan natin sa hinaharap.
Dahil darating ang araw na tayo naman ang mag tuturo sa anak natin. Hindi bat tayo ang unang guro nang mga anak natin?
Hindi bat nakakahiya kapag magtatanong ang anak mo sayo tapos hindi mo alam ang sagot? Paano mo magagabayan kung sa ibang bagay palang ay sumusuko ka na?
Marami na akong kilalang nakatapos at namimiss nila ang pag-aaral. Kaya wag mong hintaying dumating ang araw na ikaw ay mag tatrabaho na. At wala nang holiday holiday. Lahat ng kilos mo sa darating na araw ay may bayad na.
Kaya mag-aral ng mabuti. Isaisip lahat ng itinuturo. Hindi ituturo ng guro yan kung hindi kailangan.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)