COOL OFF. Hindi kayo officially break, pero ang dating nito, ‘Wala muna tayo, pero free ako makipagdate sa iba, free karin makipagdate sa iba. Kapag hindi nagwork, tayo ulit.’
Note: dapat mutual decision to, kung labag sa loob mo, sumang-ayon ka parin, para din malaman mo sa sarili mo kung siya nga talaga ang gusto mo, at hayaan mo siyang maka-experience ng iba para marealize niya na mas masaya ka kasama at malaking kawalan ka pag tuluyan kayong naghiwalay (unless gago siya at hindi marealize yun).
I-WANT-SPACE. Hindi din kayo officially break, pero hindi ka pwedeng makipagdate sa iba. Kaya nga space eh, gamitin ang space na yun para makapag-isip tungkol sa relasyon niyo, pagnilayan kung bakit kailangan ituloy ito o kung bakit kailangan ng tapusin. Huwag gamitin ang space sa paglalandi sa iba. Kung yun ang gusto mo, i-break mo na.
Pero minsan naaabuso ang mga salitang ‘to. Break-up na pala talaga ang gusto, kung ano-ano pang term ang ginamit. Dahil daw kesyo mas maganda pakinggan ang cool-off or space kesa sa ‘break na tayo’. Linawin na kaagad kung ano ang gusto mo, para walang nagmumukang tanga sa kakaasa.
Paano kapag MU kayo at gusto nya ng space ibig sabihin ba nito na wala ng mutual na nararamdaman sya sayo?
TumugonBurahin