Sabado, Mayo 21, 2011

ASSUME.

Maraming tao ang nagkakamali sa larangan nang pag-ibig dahil sila ay nagiging ASSUMING.
Mahirap mag assume sa isang taong hindi mo naman talaga alam ang tunay na nararamdaman.
Mahirap mag assume kung ang babae/lalake na minamahal mo ay pare-pareho ng trato sa inyo.
Dito nasasaktan ang isang tao, inaasahan niya kasi ang isang bagay na kahit kailan ay hindi mabibigyan ng liwanag, pag-ibig na hindi mabibigyan ng hustisya.
Hindi kasi porket nilalambing ka ng isang tao, eh gusto ka na nito. May mga taong ugali lang talaga nilang maging ganun.
At kung sa akala mong sayo lang siya ganyan. Mag-isip ka, tumingin ka sa paligid, pagmasdan mo ang mga kinakausap niya, matuto kang mag imbestiga, para sa huli hindi ikaw ang kawawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento