Sabado, Mayo 21, 2011

Disadvantage ng LDR.

  • Kapag may sakit hindi mo man lang mapuntahan.
  • Kapag miss niyo na ang isat-isa malabo pa rin kayo magkita.
  • Minsan kailangan talaga magsama para mayakap man lang ang isat-isa.
  • Sa oras na may problema, hindi mo siya mahahagilap kung saan.
  • Hindi mo siya basta-basta mapupuntahan kapag may nangyaring masama.
  • Lagi mong iisipin yung mga taong nakapalibot sa kanya.
  • Minsan kakambal na nito yung selos sa taong mga nakakasama niya.
  • Kapag monthsary/anniversary, sa cellphone/internet lang kayo mag cecelebrate.
Ganun pa man, hindi siya disadvantage actually. Isa siguro itong pagsubok na mawawala rin sa pagdating ng panahon. Mga pagkakataon na dapat hinihintay, mga pagkakataon na hindi dapat minamadali.
Dahil kapag mahal niyo ang isat-isa. Makakagawa kayo ng paraan para magkita. Makakagawa kayo ng paraan para mahalin ang isat-isa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento