Bakit mo sisisihin ang pagmamahal kung simula palang eh ito na ang nagbigay ng saya sayo? Bakit mo sa kanya isisisi lahat ng nangyari sa inyo? Hindi bat ang gusto lang iparating ng pagmamahal sayo eh yung kasiyahan na gusto mo kapag kasama mo ang isang tao?
Totoo namang tao lang ang nagpapakomplika nito, hindi kung sino pang nilalalang ang idadamay mo, kulang nalang eh maging ikaw si hitler sa dami ng platapormang inihahain mo sa kaibigan mo masiraan lang yung taong mahal mo, kung magmamahal ka, dapat yun lang ang gagawin mo sa kanya, diretso garantisado. Huwag na huwag mong aayawan ang pakiramdam na minamahal, bihira lang ang nakakatanggap niyan, pero dapat nararamdaman mo ito at hindi basta naririnig o kaya naman basta lang nababasa.
Kung ikaw ay nalulungkot sa dahilan na ikaw ay nasaktan habang nagmamahal, tanggapin mo ito ng buong tapang, kapag nasasaktan ka ibig sabihin ay nagmamahal ka na talaga, kapag siya ang dahilan ng pagiging malungkot mo, sa tingin ko ay may bahid na nga nang pagtingin yan sa isang tao.
Maging masaya ka lang kapag nagmamahal, maging ikaw lamang, huwag mong pagtakpan ang tunay na ugali mo, minahal ka niyang ganyan kaya manatili kang ganyan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento