Sabado, Mayo 21, 2011

Ang pag-ibig ay parang Space Shuttle sa Enchanted Kingdom.

Maraming ayaw sumubok dahil sa nakakatakot tignan ito, parang sa pag-ibig, natatakot kang sumubok dahil sa mga kaibigan na nakikita mong nasasaktan.
Ang pag-ibig ay parang sa space shuttle dahil sa haba ng pila nito eh kailangan mo talaga maghintay ng matagal para makasakay dito.
Parang sa pag-ibig, para kang pumipila sa tadhana na ikaw naman ang mapasakay sa takbo ng buhay pag-ibig.
Maraming natatakot sumakay dito, pero marami ring nag eenjoy.
Parang sa pag-ibig, maraming natatakot sumubok, pero may mga taong masasaya rin naman pag dating dito.
Sobrang pareho talaga ng pag-ibig sa spaceshuttle, dahil kahit alam mong safe ka eh kakabahan ka pa rin, kakabahan na baka ikaw ay malaglag, at kung ihahambing sa pagibig eh kinakabahan kang maiwan na lang basta ng taong ito.
Tandaan mo na may ibang nakapila pa, kaya maaring ang space shuttle mo ay good for 1 ride lang.
Parang sa pag-ibig, minsan isang sakay lang, pagtapos nang lahat nang saya, pwedeng matapos rin.. Pero wag ka mag alala, pwede pa rin naman ulit pumila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento