Sabado, Mayo 21, 2011

Magpapakamatay ako.

Hindi ako ha? May mga taong nag sasabi nito, isang salitang sobrang bigat sa pakiramdam kapag ikaw ang sinabihan, napakapanget pakinggan o mabasa sa isang taong malungkot o gagawing pang blackmail sayo kapag gusto mo silang iwan.
Isang tinik na tagos spinal cord ang bigat, nakakaparanoid lalo na kung mahal mo ito, kahit na alam mong hindi niya ito gagawin nandun pa rin yung katanungan na paano nga kaya kung gawin niya? Hindi bat habangbuhay mong dadalhin ang problema na iyon?
Para sa akin, gusto kong sabihin sa mga taong nagsasabi nito na, kinaya mo ngang mabuhay ng ilang taon noong wala pa yung taong minamahal mo tapos iniwan ka lang niya eh magpapakamatay ka dahil sa kanya? Alam mo ba ang ginawa mo? Baka kapag ginawa mo yun eh sa lamay mo eh sabihan ka pang tanga.
Yung konsensiya kasi yung pinag uusapan natin dito, yung pakiramdam na kapag nalaman mong totoo nga eh parang ikaw pa ang suspek dito, kasi syempre nagpakamatay yung taong mahal mo edi ang unang titignan nila eh yung cellphone at yung dahilan bakit niya nagawa ito, edi lumabas ka pang masama sa mga magulang at kapamilya niya na hindi man lang naitatanong o nalalaman ang tunay na nangyari.
Ang panget lang, sana hindi ganito ang lahat ng tao, sobrang bata mag isip, hindi sa pag-ibig umiikot ang mundo mo. Huwag ang pag-ibig ang maging dahilan para kumikil ng sariling buhay mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento