Hindi mo na magagawa yung mga dati mong ginagawa,
Hindi ka na pwedeng magpuyat, dahil may magagalit na sayo, may concern na sa kalusugan mo.
Dati wala kang inaalala pero ngayon, bawat galaw niya gusto mong malaman, gusto mo lagi kasi safe siya.
Mag eeffort ka na sa isang tao para maging masaya, ibang-iba na sa buhay mo dati na tahimik lang.
Kailangan mo nang mag paalam kung aalis ka, kapag hindi ka pinayagan, kawawa ka naman.
Lagi kang inspired, ang sarap gumising sa umaga na may nagmamahal sayo, tutulog ka sa gabing may nanlalambing sayo.
Iba pa rin pala kapag may karelasyon. Doble ang saya kesa mag isa.
Bakit ko nasabi ito? Dahil kaya lang naman sinasabi ng iba na masaya maging single, dahil walang pipigil sa mga gusto mong gawin, masyado pang maaga. at marami pang iba.
Ang kailangan mo lang naman kasi yung magtitiwala sayo na hindi mo gagawin ang mga hindi dapat gawin e, na hindi mo siya hahayaang magselos dahil lang sa mga simpleng bagay na gagawin mo.
Huwag kang matakot magmahal, huwag kang mamili sa gusto mo, minsan kaya ka nawawalan at nauubusan lahat na lang ata ng magagandang ugali gusto mo nasa package na nang isang tao.
Ok na yung mabait at mamahalin ka ng buong ikaw, at kahil kailan hindi magbabago sayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento