Mga taong consequences muna ang iniisip, mga taong futuristic mag isip, ilang dahilan pa ba ang sasabihin mo para maiwasan lang ang taong mahal mo? Madalas mangyari ito sa marami, tipong ok naman sila pero hindi nila mapasok ang isang relasyon dahil yung isa ay takot pumasok dito.
Madalas mangyari ito.. tatapusin daw muna ang pag-aaral, bawal pa daw sabi ng magulang, dahil sa distansiya at marami pang ibang dahilan.
Pero nagagawa ng mga bayani magmahal ay tanggapin na lang itong mga ito, wala naman siyang magagawa dahil nagmamahal lang rin siya, ang patuloy lang nilang ipinagtataka eh bakit hindi kaya nung isa? Eh pareho lang naman sila ng mararamdaman, parehas lang silang masasaktan. Kahit na sabihin mong isa lang ang dehado sa gusto niyong relasyon.
Lahat naman ng tao sa relasyon ay nagkakaroon ng problema, Mahal niyo naman ang isat-isa, pero nakakapagtakang hindi niyo pa ituloy, tapos lagi niyong proproblemahin eh ang problema eh nasa inyo rin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento