Bakit sobra kang natitiis ng taong ma pride? Ano meron sa kanila at bakit hindi ka nila mapatawad sa oras na nagkaroon ka ng kasalanan o kaya naman nagtampo sila?
Patuloy na lang ba nilang sasaktan ang puso ng isang taong nagmamahal? Bakit hindi na lang magbati agad? Patunayan ang sinasabing pagmamahalan, patunayan ang tiwala na sinasabi niyo sa isat-isa. Pinasok niyo ang relasyon na yan, kaya kayo lang dalawa ang makakapag ayos niyan.
Pero anong magagawa ng isang taong gustong makipagbati kung yung isang tao naman eh puno ng pride? Daig pa ang manhid, “Huy mahal mo yan! Bakit gusto mo siyang nasasaktan!” ginagawa na nga niya lahat para mapasaya ka tapos sisitahin mo sa onting kasalanan,
Minsan kasi hindi rin masisi yang ma pride na yan, baka naman umaabuso ka na, baka naman pinaparamdam niya lang na sobra na, at nasasaktan siya, kaya ginagawa niya yun para patunayan na nasasaktan siya at naapektuhan siya sa mga kasalanan na ginawa mo.
Walang maayos na problema kapag pride ang pinairal, mag laba ka na lang baka matuwa pa ang magulang mo at gamitin mo yang pride mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento