Huwebes, Mayo 26, 2011

Sa relasyon dapat may isang siga. Kung sa tingin mo siya yung siga sa relasyon niyo ipaubaya mo na sa kanya. Hindi yung kapag galit siya sasabayan mo na rin yung galit niya.

Minsan kahit wala kang pagkukulang, iiwan ka parin ng partner mo. Kahit nga sobra sobra na ang ibinigay mo, iiwanan ka parin. Minsan ang mabigat na dahilan ay hindi na sila masaya sa atin. At kailangan nating tanggapin yun.

Sa mga sira ulong lalake na nang-iiwan lang ng hindi nagsasabi. Mahirap umiyak ng hindi mo alam kung ano ang dahilan. Kaya sabihin niyo. Hurt girls with honesty. That's the best way to hurt someone.

If you have the intention to live your life alone, a lifetime is just enough. But when you are happy spending your life with someone you love, a day isn’t enough. Forever is not enough.

Walang assurance na magiging kayo forever, pero as long as nararamdaman mo ang saya sa piling niya, hangga't nararamdaman mo ang pagmamahal sa puso mo, wag kang magsayang ng oras. Sabihin mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal araw araw

Miyerkules, Mayo 25, 2011

We will never find the reason kung bakit tayo nagmamahal. the moment you find the reason, hindi kana magmamahal kasi you will be logical to reason out why you are in love.

Broken-hearted ka ba? Malamang naranasan mo na ang ilan sa mga nabanggit dito.

Naranasan mo na bang makakilala ng isang tao na hindi mo inaakalang mamahalin mo ng sobra? Taong ginawa mong mundo. Taong halos ibigay mo na ang lahat lahat ng iyo, kahit na alam mong hindi sapat. Taong nagparanas sa’yo ng walang katulad na saya. Taong tinanggap mo kahit ano pa man ang status at meron siya sa pag-aakalang worth it ito sa huli.

AKO OO.

Naranasan mo na din bang mahusgahan ng maraming tao ng dahil lang sa pagmamahal mo sa taong iyon? Kung tignan ka nila akala mo ikaw na ang tanginang pinakamasama at pinakamaruming tao sa buong mundo. Naranasan mo na din bang ipagkibit balikat na lang ang lahat ng yun kahit masakit at mahirap na. Mas pinili mong ipaglaban at ipagpatuloy ang nasimulan mo sa taong iyon, dahil sa mahal mo siya at siya lang ang gusto mo makasama hanggang sa pagtanda.

AKO OO.

Naranasan mo na din bang iwanan ng taong iyon? Na ni sa panaginip, hindi mo inakalang magagawa niya dahil sa tindi ng mga pinagdaanan niyo ni hindi kayo nag-iwanan. Naranasan mo na bang makarinig mula sa taong iyon na ng mga masasakit at makabasag-pusong salita? Na marami pala ang mali sa’yo, bigla na lang ay marami siyang hindi gusto sa ugali mo. Naranasan mo na bang humingi ng isang pagkakataon para ayusin ang lahat tulad ng pagbibigay mo sa kanya noon ng ilang pagkakataon, pero matigas siya at ayaw kang bigyan?

AKO OO.

Naranasan mo na bang samahan ang taong iyon sa bawat tagumpay at hirap niya? Mga panahong inaayawan siya ng mga tao, at ikaw lang ang maasahan niya. Mga panahong naligaw siya sa ispirituwal, ikaw lang ang hindi bumitaw at umiwan sa kanya. Pero nung mga panahong ikaw naman ang nangailangan ng taong makakasama hanggang sa maabot mo ang mga pangarap mo, hindi siya nakapagtiyaga at iniwan ka.

AKO OO.

Naranasan mo na bang ipagpalit ng taong iyon sa iba? At dahil doon ay nasaktan ka ng sobra, yung literal na sakit sa puso, sa sobrang sakit ay makakaramdam ka ng hilo at halos di ka na makahinga? Parang inapak-apakan at dinurog ang pride at pagkababae mo. Yung sakit na ni sa kaaway mo ay ayaw mong iparanas dahil nga sobrang sakit.

AKO OO.

Naranasan mo na bang hindi irespeto ng taong yun ang pinagsamahan niyo? Yung tipong kakahiwalay niyo lang ngayon, wala pang bente-kwatro oras ay meron na siyang iba. At ang masama ay ipagmalaki pa yon sa iba. Na para bang nakapa-walang kwenta mong tao noong naging kayo. Nakaramdam ka na ba ng sobrang kahihiyan mula sa mga taong tinalikuran mo noon ng dahil lang sa pakikipaglaban sa kanya? Na parang makikita mo sa mga mata nila ang mga salitang, ‘O anong sabi namin sa’yo?’.

AKO OO.

Ngunit sa kabila ng lahat, naranasan mo na bang piliin na kalimutan na lang ang lahat ng mga ginawa niya para lang bumalik siya sa’yo at makapag-umpisa kayo ulit? Handa kang talikuran ulit ang lahat at bigyan ng isa pang pagkakataon ang relasyon niyo. Handa mo siyang patawarin iwan lang ang taong pinagpalit sa’yo at pangakuan ka na hindi na yun mauulit. Naranasan mo na bang umasa na gagawin niya ang lahat ng iyon?

AKO OO.

At naranasan mo na bang sa pangalawang pagkakataon, muli kang nabigo dahil mas pinili niyang huwag kang balikan at bigyan ng isa pang pagkakataon? Wala kang magawa kundi ang tanggapin na lang ang lahat at magkunyari-kunyariang matapang ka pero sa loob-loob mo ay parang patay na ang kalahati ng iyong katawan.

Naranasan mo na ba lahat ng iyon?
Ako OO, at PUTANGINA MASAKIT.

If you are saying goodbye to someone and you're being LOGICAL about it, make sure kayanin niyo. If you're saying goodbye to someone and you're being EMOTIONAL about it, congratulations, that's the right way to do it.

Ano nga ba ang pagkakaiba ng COOL OFF sa I-WANT-SPACE.

COOL OFF. Hindi kayo officially break, pero ang dating nito, ‘Wala muna tayo, pero free ako makipagdate sa iba, free karin makipagdate sa iba. Kapag hindi nagwork, tayo ulit.’

Note: dapat mutual decision to, kung labag sa loob mo, sumang-ayon ka parin, para din malaman mo sa sarili mo kung siya nga talaga ang gusto mo, at hayaan mo siyang maka-experience ng iba para marealize niya na mas masaya ka kasama at malaking kawalan ka pag tuluyan kayong naghiwalay (unless gago siya at hindi marealize yun).

I-WANT-SPACE. Hindi din kayo officially break, pero hindi ka pwedeng makipagdate sa iba. Kaya nga space eh, gamitin ang space na yun para makapag-isip tungkol sa relasyon niyo, pagnilayan kung bakit kailangan ituloy ito o kung bakit kailangan ng tapusin. Huwag gamitin ang space sa paglalandi sa iba. Kung yun ang gusto mo, i-break mo na.

Pero minsan naaabuso ang mga salitang ‘to. Break-up na pala talaga ang gusto, kung ano-ano pang term ang ginamit. Dahil daw kesyo mas maganda pakinggan ang cool-off or space kesa sa ‘break na tayo’. Linawin na kaagad kung ano ang gusto mo, para walang nagmumukang tanga sa kakaasa.

Huwag mong bilangin ang mga bagay na sa tingin mo na nagawa mo para sa isang tao. Kundi, bilangin mo ang dami ng beses sa naramdaman mong kaligayahan dahil napapasaya mo sila.

Walang masama kung ipaglaban mo siya, pero kailangan mong malaman kung hanggang kailan at hanggang saan. Alamin mo kung may patutunguhan ang pakikipaglaban mo sa relasyon niyo.

Ang tao, aminado naman yan sa mga kasalanan nila..pero kung lalo mo pang ipapamukha sa kanila na mali sila, lalo mo lang silang binibigyan ng dahilan para iwanan ka.

It will never be a crime to cry for someone who has been a part of your life. After all, letting go of someone means letting go of all the memories you had, dreams that you built together and the future you painted together in your imagination.

Kung mahal ka talaga ng taong mahal mo, matututo syang umiwas sa lahat ng mga bagay na magiging dahilan ng paghihinala mo… It’s really hard to make a relationship work with a crack on its foundation.

its not good to feel that you're just a second option, you're just a second priority. hindi mo kailangang makipag-kumpetensiya sa mga pinaprioritize niya kasi dapat kasama ka dun.

Hindi naman porket iniwan ka niya at pinagpalit sa iba eh isa na siyang masamang tao. Nagpakatotoo lang naman siya sa sarili niya. Kaysa naman nagstay nga siya sayo, iba naman ang laman ng puso niya.

Pwede kang magmahal kahit sampu ng sabay-sabay, yun nga lang, hindi pantay-pantay. Siguradong meron lamang. Kaya kung naguguluhan ka kung sino talagang mahal mo, tanungin mo ang sarili mo, sino nga ba talaga ang mas lamang sa puso mo.

KUNG NAKIKIPAGBALIKAN SIYA SAYO AT GUSTO MO PARIN NAMAN SIYA, HUWAG KA NG MAARTE, BALIKAN MO NA. MARAMING NASASAYANG NA SECOND CHANCES DAHIL MAY MGA TAONG PA-HARD TO GET.

Kung ang dahilan mo kaya ka pumasok sa panibagong relasyon ay para makalimutan ang ex mo na nanakit sayo, that's a very wrong reason to be with someone. Being with someone should be because of one very good reason, and that's because you LOVE him/her.

SA LONG DISTANCE RELATIONSHIP, DALAWANG BAGAY LANG ANG DAPAT NA IBIGAY NG DALAWANG NAGMAMAHALAN SA ISA’T-ISA, YUN ANG SECURITY AT ASSURANCE. MAHIRAP ANG MAGKALAYO, HINDI MO ALAM KUNG ANONG TUKSO ANG PWEDENG DUMATING, PERO HANGGAT PINANGHAHAWAKAN NINYO ANG DALAWANG YUN, MANANATILI KAYONG MATATAG.

No good things in life will remain forever. Whether we like it or not, some will say goodbye. At sana pag nawala ang mga good things sa buhay natin, you still have the power and guts para makita what was good in it. Minsan kasi pag umiiyak tayo, akala natin katapusan na ng mundo. Hindi mo alam there is something good about it.

Ikaw ang magtuturo sa partner mo na irespeto ka, ikaw ang matuturo sa kanya na huwag kang saktan at ikaw ang magtuturo sa kanya kung pano ang mabuting tao. Hindi yung ikaw pa ang magpo-provoke sa kanya na gumawa ng di tama.

Kung nagkamali man siya sayo, huwag mong itama yun sa pamamagitan ng pagganti sa kanya. Kahit kailan ay hindi healthy sa isang relasyon ang gantihan. Walang mangyayari sa inyo.

Kapag wala na. You will tell yourself, “It’s okay. Somebody will love me again.” At kapag nagmamahal ka na ulit. Halimbawa, nagmamahal ka na ulit. Maaalala mo yung dati. Tao ka lang. Ikukumpara mo. Mali ‘yon diba? But you can’t help. Kapag dumating yung pagkakataon na ikumpara mo, may mga pagkakataon na maiiyak ka. At yung tao, yung bagong tao sa buhay mo might feel like iniiyakan mo pa yung ex mo, iniiyakan mo pa yung nakaraan, iniiyakan mo pa rin yung taong nanakit sa’yo. But the bottomline is kahit may panibago kang mamahalin, it will never be a crime, to cry for someone who has been a part of your life..

Kahit gano pa ka miserable yung nangyayari sayo ngayon, Kahit gano kapa kalungkot na sa tingin mo ay ikaw na talaga ang pinaka malungkot na tao sa buong mundo , At pakiramdam mo walang nagmamahal sayo, Well think again. Look around you. Kanino ka umiiyak ngayon? Sino ngayon yung tinatawagan mo para paglabasan ng sama ng loob ? Hindi ba isa yan sa mga nagmamahal sayo?? You dont have nothing. See, you have them . :)

Huwag kang papasok sa isang relasyon kung busy kang tao at hindi mo pala kayang pagsabayin. Hindi yung nanghihingi siya ng kahit konting oras sayo tapos ang idadahilan mo busy ka. Gago ka ba? Hinatak-hatak mo siyang maging bahagi ng buhay mo tapos hindi mo man siya mabigyan ng oras.

Cry a lot. But make sure you are crying for a reason. And that reason is, you are moving on. Because every ounce of tear you shed, is an added strength to you.

Kapag yung taong mahal mo parin ay may kasama ng bago, mahirap talagang sabihin ang mga katagang, "I'm happy for you." Pa-plastikin mo lang siya pag sinabi mo yun nang hindi pa tuluyang magaling ang puso mo. But believe me, you'll get there.

You cannot be the everything of someone. Pero ikaw ang magtuturo sa kanya na madiscover na kailanganin ka, huwag mo siyang pilitin. Magkaibang bagay yun.

Hindi porket hindi na kita pinapansin ay nangangahulugan na, na hindi na kita mahal, minsan mahirap lang talagang pumapel sa buhay ng taong masaya na, kahit wala ka.

Huwag mong sasabihing hindi mo kaya kapag nawala siya sayo dahil akala mo lang yun. KAYA MO YAN. Makikita mo balang araw sasabihin mo din ang mga katagang, "Ooopps teka, nakaya ko pala

Kapag pinagsisilbihan mo ang tapong mahal mo, hindi naman ang taong mahal mo ang pinapasaya mo kundi sarili mo. Kaya huwag mong papalabasin na parang utang na loob pa niya yun sayo.

You don't own your bf/gf. Hindi ikaw ang magdidikta sa kanya kung sino ang mga kakaibiganin niya, kung pano siya magsaya, kung ano ang mga isusuot niya at kung sino lang ang mga kakausapin niya. May sarili parin yang buhay at desisyon.

Love is unconditional. Kahit sampu man ang patay na kuko niyan sa paa, tatanggapin mo parin. Ngayon kung hihiwalayan mo lang siya dahil sa mga walang kwenta at maliliit na bagay, ganun ka ba kababaw magmahal?

Hindi lahat ng taong mamahalin at magiging parte ng buhay mo ay mananatiling andyan para sa’yo. Minsan maiisip nalang nila bigla na hindi ka na nila kailangan at iiwan ka nalang basta basta kahit gaano man kalalim ang pinagsamahan niyo

Girls are emotionally stronger than boys and boys are physically stronger than girls. Kaya ikaw lalaki, kapag nagbubunganga na siya, dala yun ng emosyon, kaya imbis na salubungin mo, mag-walk out ka na lang. At ikaw babae, huwag mo siyang ichallenge ng "Sige saktan mo ko!", dahil ang lalaki may tendency talaga yang mga yan.

If you know for your self that your world will never be the same without him/her, then try to fight for what you feel. Take the risks. Para pag dumating yung panahon and you'll look back, wala kang what ifs, walang regrets.

Kahit ano pang sekta mo sa relihiyon, hindi masama ang magmahal. Pero kung ikaw yung tipo ng tao na mas pinahahalagahan mo ang mga paniniwala sa relihiyon niyo, dun ka na lang mag-stick, pero kung yung mahal mo naman ang mas pinapahalagahan mo, panindigan mo siya at isantabi na lang ang mga paniniwala mo.

lang beses pa dapat ulit-ulitin sa’yo na hindi ikaw ang prayoridad niya, hindi na ikaw ang prinsesa niya. Na ang oras na inilalaan niya dati sayo ay hindi na para sayo. Kung binibigyan ka man niya ng oras ngayon, extra time niya lang yun.

Lesson from the toy story 3:Let go of the things that you are not supposed to hold on to. They made you happy once, but maybe this time, they’ll make someone happier.

Ang LOVE walang secret formula.. We interpret love uniquely... Nobody can interpret or define love for you. You defined it yourself, ikaw lang nakakaalam nyan.

Normal lang sa isang relasyon na mangako kayo sa isat isa. Ang pangako kasi parang goal yan, pero hindi lahat natutupad. At kung hindi man niya natupad yun, huwag mo siyang sisihin. Dahil ikaw din mismo may mga pangako ka rin na hindi mo kayang tuparin.

‎Ang tunay na lalaki, hindi nagbibitaw ng matatamis na salita dahil lang sa alam niyang gusto mo ito marinig. Sinasabi niya ang mga ito dahil alam niyang ito'y totoo

Ang TUKSO ay hindi nilalabanan kaya layuan mo na lang. Huwag mong ilapit ang sarili mo sa tukso dahil hindi ka mananalo dyan. Ang tukso is designed para pahinain ka, kaya wag mo nang ilapit ang sarili mo sa mga bagay na pwedeng magpahina syo.

When we are inlove, we tend to become SUPERMAN. Yung taong minamahal natin ang ating SUN na siyang nagiging lakas natin and at the same time isa din siyang KRYPTONITE, ang ating malaking kahinaan.

"Wag kang titingala sa taong hindi yuyuko para sayo" In other words: Wag kang magmamahal ng taong mataas ang tingin sa sarili at hindi handang magpakababa para sayo.

ang lahat ng relasyon sa umpisa, maganda. ang lalaki ngbabago kasi. generally ang lalaki mabaet sa umpisa. konti lng kasi ang lalaki na kayang i-maintain ung all throughout.

Pag nag-aaral kayo at di nyo kayang pagsabayin ang pag-aaral at pagmahamahal, wag na kayong magstart magkasintahan. Pero pag pinili nyong magkaroon ng kasintahan habang nag-aaral, siguraduhin nyong kaya nyong pangatawanan.

Martes, Mayo 24, 2011

KUNG NAKAYA MO NOON NA SABIHIN SA KANYA NA MAHAL MO SIYA, NA GUSTO MO SIYANG MAKASAMA, KAYA MO RING SABIHIN ANG SALITANG GOODBYE. MAGPAALAM KA NG TAMA, SABIHIN MO SA KANYA NG HARAPAN, HUWAG NAMAN YUNG HINDI KA NA LANG MAGPAPARAMDAM.”

Mangako ka man ng mangako sa kanya, mga salita lang yan. In the long run, ang magma-matter diyan ay kung ilan ang mga natupad sa mga pangako mo, nasabi mo man yan o hindi.

Sa buhay natin bilang nagmamahal laging darating yung pagkakataon na magiging fault finder tayo. Kasi yung mga partners natin, sa kanila tayo naka-focus. So ano man yung maliliit na pagkakamali, makikita natin agad yan.

It will never be easy to say goodbye to someone because as humans we get attached easily. Aso nga naaattached, tao pa kaya na buong buo ang emosyon, dba.

Lagi mong tatandaan na kahit bakla ka pa o tomboy, may nakalaan para sayo. Huwag mong iisipin na walang magtatagal sayo o baka hindi ka na makahanap habang buhay, kasi baka magkatotoo.

Sa kabuuan ng relasyon, magkukulang talaga ang partner mo. Hindi nya kayang gawin ang lahat para syo. Kung kada may hindi maibigay syo ang partner mo at iisipin mo na maghiwalay kayo, hindi ka magkakaron ng masayang relasyon.

You don't need someone who will make you feel you're only good being number two or someone who will make you feel that you are only good as second priority.

If you think you are too important, do not enter into a relationship. Relationship is a partnership. Hindi lang ikaw ang importante, pati din partner mo.

Minsan, dapat na nating pabayaan ang mga bagay na hindi para sa atin. Mahirap pero dapat gawin, masakit pero kailangang tanggapin na may mga taong maaari mo mahalin pero hindi mo pwedeng angkinin

If you know for your self that your world will never be the same without him/her, then try to fight for what you feel. Take the risks. Para pag dumating yung panahon and you’ll look back, wala kang what ifs, walang regrets.

Isa sa pinakamahirap na gawin ng isang tao at ng isang nagmamahal, yung sanayin ung sarili na nasasaktan ka lamang.. when you get used to the pain, you will never ever want to be a better person kasi sanay ka na dun.

HINDI NATIN KAILANGANG IPILIT ANG ISANG BAGAY NA HINDI NA PWEDE NG DAHIL LANG SA NAAWA KA SA KANYA. DAPAT PAKINGGANG MABUTI KUNG ANO BA TALAGA ANG NARARAMDAMAN NG PUSO BAGO GUMAWA NG DESISYON.

Kung gusto man niyang bumalik sayo pero hindi malinaw kung ano ang bahagi mo sa buhay niya, maging matalino ka naman sa pagdedesisyon. Kung sa tingin mo wala ng patutunguhan at walang kasiguraduhan, wag na lang, hayaan mo na lang.

Para sa mga lalaki, be man enough to say na ayaw mo na, hindi yung basta ka na lang hindi magpaparamdam. Isa kasi sa pinakamasakit ay ang umasa na meron pa, yun pala wala na.

If both of you are only good at one thing, and that’s just hurting each other. Take a break.. Save the tiniest piece of love left in you for your partner .

KUNG MAHAL KA NYA, DI KA NIYA PAGHIHINTAYIN.” it’s not that the guy’s feeling is not LOVE, it’s only infatuation, kase daw, pag love, kahit complicated pa yan, di niya paghihitayin ang taong mahal nya. he just told the girl para may option pa siya in case di siya maka hanap ng iba. “IKAW BA, GUSTO MONG MAGING OPTION? TE, WAG KA MAGPAKA TANGA”. “DIBA MAS MAGANDA YUNG MAY NAGMAMAHAL SAYO AT IKAW YUNG CENTER NG LIFE NILA?

Sabado, Mayo 21, 2011

Di porke ikaw ang huling nagsalita ibig sabihin nabara mo yung kausap mo. Malamang nabababawan lang sila sayo kaya di ka na sinasagot, o kaya sobrang walang kwenta tingin sayo at di ka karapat dapat patulan.

Mahal ka daw niya pero hindi niya mapatunayan.

Mga taong consequences muna ang iniisip, mga taong futuristic mag isip, ilang dahilan pa ba ang sasabihin mo para maiwasan lang ang taong mahal mo? Madalas mangyari ito sa marami, tipong ok naman sila pero hindi nila mapasok ang isang relasyon dahil yung isa ay takot pumasok dito.

Madalas mangyari ito.. tatapusin daw muna ang pag-aaral, bawal pa daw sabi ng magulang, dahil sa distansiya at marami pang ibang dahilan.

Pero nagagawa ng mga bayani magmahal ay tanggapin na lang itong mga ito, wala naman siyang magagawa dahil nagmamahal lang rin siya, ang patuloy lang nilang ipinagtataka eh bakit hindi kaya nung isa? Eh pareho lang naman sila ng mararamdaman, parehas lang silang masasaktan. Kahit na sabihin mong isa lang ang dehado sa gusto niyong relasyon.

Lahat naman ng tao sa relasyon ay nagkakaroon ng problema, Mahal niyo naman ang isat-isa, pero nakakapagtakang hindi niyo pa ituloy, tapos lagi niyong proproblemahin eh ang problema eh nasa inyo rin.

Pride.

Bakit sobra kang natitiis ng taong ma pride? Ano meron sa kanila at bakit hindi ka nila mapatawad sa oras na nagkaroon ka ng kasalanan o kaya naman nagtampo sila?

Patuloy na lang ba nilang sasaktan ang puso ng isang taong nagmamahal? Bakit hindi na lang magbati agad? Patunayan ang sinasabing pagmamahalan, patunayan ang tiwala na sinasabi niyo sa isat-isa. Pinasok niyo ang relasyon na yan, kaya kayo lang dalawa ang makakapag ayos niyan.

Pero anong magagawa ng isang taong gustong makipagbati kung yung isang tao naman eh puno ng pride? Daig pa ang manhid, “Huy mahal mo yan! Bakit gusto mo siyang nasasaktan!” ginagawa na nga niya lahat para mapasaya ka tapos sisitahin mo sa onting kasalanan,

Minsan kasi hindi rin masisi yang ma pride na yan, baka naman umaabuso ka na, baka naman pinaparamdam niya lang na sobra na, at nasasaktan siya, kaya ginagawa niya yun para patunayan na nasasaktan siya at naapektuhan siya sa mga kasalanan na ginawa mo.

Walang maayos na problema kapag pride ang pinairal, mag laba ka na lang baka matuwa pa ang magulang mo at gamitin mo yang pride mo.

Kapag hindi ka na mahal ng taong mahal mo. Ano ba dapat ang gawin mo?

Maghanap ng iba.

Sabi nga walang gamot sa tanga kundi pag kukusa. Mahirap ipagpilitan ang sarili sa piling ng iba. Puro sakit at poot lang ang mararamdaman mo. Mabuti pang maghanap ka ng iba. Yung ibang magpapasaya sayo at magpapaligaya sayo.

Sumama ka sa lakad ng mga kaibigan mo.

Ito lang ang pinakamatinong payong maibibigay ko. Dahil sa kaibigan nandoon yung ligayang sila lang ang makakapagbigay. Sila ang mga instrumento ng kasiyahan. Ang susi ng tawanan. Ang matibay na sandigan.

Iiyak mo lang

Oo, iiyak mo lang. Lalake ka man o babae. Ibuhos mo yan. Kung may kwarto ka. Mag kulong ka. Doon mo ibuhos lahat. Tanungin mo sarili mo. Bakit naging ganun? Malay mo ikaw pala may kasalanan. Bigla ka pang tumawa diyan.

Magbasa ka ng mga magagandang nobela.

Marami ang filipino authors diyan. Andiyan si Bob Ong, Si Ricky Lee, at si Eros Atalia. Sila ang mga naging inspirasyon nang karamihan. Maaring ako rin. Kaya ko naisusulat ang mga bagay na ito.

Magsimba ka

Bago mo mahalin ang ibang tao. Bakit hindi mo mahalin ang tao na gumawa nito? Ang taong gumawa ng lahat. Kausapin mo siya. Siya lang ang makakaintindi sayo. Huwag kang mawawalan ng oras sa kanya. Pag siya ang nawalan ng oras sayo. Kawawa ka naman.

Mga bagay na gustong maranasan ng taong gustong pumasok sa relasyon.

* Ang laging may kausap.
* Ang may ka holding hands.
* Ang may kasama mag shopping.
* Ang may kasamang manuod ng sine.
* Ang may masasabihan ng problema.
* Ang may kakampi lagi.
* Ang may mapagkakatiwalaan na tao.

Pero hindi ibig sabihin nito eh nagmamahal ka na. Maaring gusto mo lang maranasan ang mga bagay na ito at may napili kang isang tao na gagawa nito sayo.

Ang buhay pag-ibig ay parang pelikula.

Ang buhay ay puno ng drama. Kung ano ang napapanuod eh minsan nangyayari ito. Pero wag mo asahang laging kaya gawin ng tao ang mga napapanuod mo.

Naguumpisa ang pagmamahalan ng dalawang tao sa sumpaang hindi nila iiwan ang isat-isa. Pero darating ang araw na makakalimutan ang sumpa. Ang sumpa na inyong ginawa ay walang makakapigil kundi isa sa mga taong sumumpa. Kaya napakamapangyarihan. Hindi magagalaw ang relasyon niyo ng iba.

Sa pelikulang ito. Laging masaya sa una.

Sa kalagitnaan may mga taong makikilala.

Sa bandang huli mag aaway.

May mga pagkakataon na natatapos ang pelikula na hindi nakatuluyan ng bida ang leading lady niya.

May mga pagkakataon na super ganda ang nangyari sa kanila at doon natapos ang pelikula.

Marami tayong sinasabi para makuha ang puso ng isang tao.

Nasasabi natin ang mga bagay na ito dahil alam nating kaya nating gawin.

Kailangan natin gisingin sa sarili natin na ang pelikulang ating ginagalawan ay real life drama. Walang director. Walang writer. Walang producer. Kundi one man team ka. Ikaw lahat ang magpapasya. Ikaw ang aarte, ikaw ang gagalaw, at ikaw ang artista.

akala mo ayaw magtext, naghihintayan lang pala kayo.

Ito ang problema sa iba, yung pride na kailangan i text ka muna niya bago mo siya i text. Ang pagkakamali sa isang taong naghahanap ng relasyon.

Paano ka makakahanap ng taong mamahalin kung yung taong mamahalin mo eh ganun din ang ugali? Katulad mo din, hinihintay rin niya text mo para itext ka rin. May mga tao kasing hinihintay lang text mo para makapag umpisa na siya ng topic na pag uusapan niyo. Minsan nahihiya siya mag text sa una dahil alam niyang busy ka, o kaya naman may importanteng ginagawa.

Kung hindi ka naman busy, maari mo naman siyang itext. Kung itetext mo siya siguraduhin mong may pangalan niya, baka naman text ka ng text eh GM naman? Baka tamarin sayo yan at akalain niyang lahat ng text mo sa kanya ay GM na.

Mahirap kapag nakilala ka niya na GM ng GM. Nagsisimula na siyang mandedma ng text mo, lahat ng text mo sa kanya ay aakalain na niyang GM lang, paano ka na? Edi wala na.

Ang tao ay ginawa para magmahal, ang mga gamit ay ginawa para gamitin. Ang tanging rason bakit nagiging kumplikado ang mundo ay dahil ang mga GAMIT ang minamahal at TAO naman ang ginagamit.

Magpapakamatay ako.

Hindi ako ha? May mga taong nag sasabi nito, isang salitang sobrang bigat sa pakiramdam kapag ikaw ang sinabihan, napakapanget pakinggan o mabasa sa isang taong malungkot o gagawing pang blackmail sayo kapag gusto mo silang iwan.
Isang tinik na tagos spinal cord ang bigat, nakakaparanoid lalo na kung mahal mo ito, kahit na alam mong hindi niya ito gagawin nandun pa rin yung katanungan na paano nga kaya kung gawin niya? Hindi bat habangbuhay mong dadalhin ang problema na iyon?
Para sa akin, gusto kong sabihin sa mga taong nagsasabi nito na, kinaya mo ngang mabuhay ng ilang taon noong wala pa yung taong minamahal mo tapos iniwan ka lang niya eh magpapakamatay ka dahil sa kanya? Alam mo ba ang ginawa mo? Baka kapag ginawa mo yun eh sa lamay mo eh sabihan ka pang tanga.
Yung konsensiya kasi yung pinag uusapan natin dito, yung pakiramdam na kapag nalaman mong totoo nga eh parang ikaw pa ang suspek dito, kasi syempre nagpakamatay yung taong mahal mo edi ang unang titignan nila eh yung cellphone at yung dahilan bakit niya nagawa ito, edi lumabas ka pang masama sa mga magulang at kapamilya niya na hindi man lang naitatanong o nalalaman ang tunay na nangyari.
Ang panget lang, sana hindi ganito ang lahat ng tao, sobrang bata mag isip, hindi sa pag-ibig umiikot ang mundo mo. Huwag ang pag-ibig ang maging dahilan para kumikil ng sariling buhay mo.

HOW TO LOVE

For Guys.
Kahit na sabihin nating age doesnt matter, magmahal ka siguro ng babae na ang edad ay 16 years old. Ito ang sinasabi nating ” Not longer a girl, but not yet a woman”. Mahalin mo siya ng buong tapat at huwag mo siyang pababayaan, mg set ka ng onting rules sa relasyon niyo, at kahit kailan huwag siyang sasaktan.
For girls
Mahalin mo ang isang lalake na parang 8 years old, hayaan mo siyang maglaro sa mga laruan niya at hayaan mo siyang makipaglaro sa mga kalaro niya/kaibigan niya. Huwag kang mag alala at sayo pa rin yan kahit anong mangyari. Turuan mo siya paano maging HONEST.
Para sa LOVELESS
May TUMBLR, FACEBOOK, MULTIPLY, PLURK, TWITTER, PRENDSTAH pwede ding mag DVD marathon, pwede ring manuod ka ng mara clara, mag basa ka ng libro na tungkol sa paano mag move on o kaya paano makahanap ng taong mamahalin. Pwede rin namang tumawag sa wanted sweetheart, o kaya babaan mo ang standards mo.

Minsan sapat na ang minsan na napunta ka sa kanya, dahil kahit isang beses lang ulit eh naranasan mong magmahal at magtiwala, wala dapat pagsisihan ang mahalaga napagbigyan mo ang puso mo na kayong dalawa ay magmahalan.

Pagmamahal.

Bakit mo sisisihin ang pagmamahal kung simula palang eh ito na ang nagbigay ng saya sayo? Bakit mo sa kanya isisisi lahat ng nangyari sa inyo? Hindi bat ang gusto lang iparating ng pagmamahal sayo eh yung kasiyahan na gusto mo kapag kasama mo ang isang tao?
Totoo namang tao lang ang nagpapakomplika nito, hindi kung sino pang nilalalang ang idadamay mo, kulang nalang eh maging ikaw si hitler sa dami ng platapormang inihahain mo sa kaibigan mo masiraan lang yung taong mahal mo, kung magmamahal ka, dapat yun lang ang gagawin mo sa kanya, diretso garantisado. Huwag na huwag mong aayawan ang pakiramdam na minamahal, bihira lang ang nakakatanggap niyan, pero dapat nararamdaman mo ito at hindi basta naririnig o kaya naman basta lang nababasa.
Kung ikaw ay nalulungkot sa dahilan na ikaw ay nasaktan habang nagmamahal, tanggapin mo ito ng buong tapang, kapag nasasaktan ka ibig sabihin ay nagmamahal ka na talaga, kapag siya ang dahilan ng pagiging malungkot mo, sa tingin ko ay may bahid na nga nang pagtingin yan sa isang tao.
Maging masaya ka lang kapag nagmamahal, maging ikaw lamang, huwag mong pagtakpan ang tunay na ugali mo, minahal ka niyang ganyan kaya manatili kang ganyan.

Ang pag-ibig ay parang Space Shuttle sa Enchanted Kingdom.

Maraming ayaw sumubok dahil sa nakakatakot tignan ito, parang sa pag-ibig, natatakot kang sumubok dahil sa mga kaibigan na nakikita mong nasasaktan.
Ang pag-ibig ay parang sa space shuttle dahil sa haba ng pila nito eh kailangan mo talaga maghintay ng matagal para makasakay dito.
Parang sa pag-ibig, para kang pumipila sa tadhana na ikaw naman ang mapasakay sa takbo ng buhay pag-ibig.
Maraming natatakot sumakay dito, pero marami ring nag eenjoy.
Parang sa pag-ibig, maraming natatakot sumubok, pero may mga taong masasaya rin naman pag dating dito.
Sobrang pareho talaga ng pag-ibig sa spaceshuttle, dahil kahit alam mong safe ka eh kakabahan ka pa rin, kakabahan na baka ikaw ay malaglag, at kung ihahambing sa pagibig eh kinakabahan kang maiwan na lang basta ng taong ito.
Tandaan mo na may ibang nakapila pa, kaya maaring ang space shuttle mo ay good for 1 ride lang.
Parang sa pag-ibig, minsan isang sakay lang, pagtapos nang lahat nang saya, pwedeng matapos rin.. Pero wag ka mag alala, pwede pa rin naman ulit pumila.

Mga dahilan bakit nagchicheat ang tao sa 1 relationship?

  • Siguro nag sasawa na ito sayo.
  • Hindi na ikaw yung dating gusto niya.
  • May pagkakalabuan kaya nag hanap muna nang iba.
  • Hindi marunong makuntento yung taong mahal mo.
  • Malay mo hindi pala ikaw yung chinicheat. May iba siyang chinicheat. Ikaw pa ang lumabas na kabit.
  • May mga bagay na gusto niya pero ayaw mo.
  • Malaki ang demand. In short demanding.
  • Malikot ang isip niya, pati ang kamay, sobra ang kati. Hindi makuntento sa isang babae/lalake.
  • Ganun lang talaga siya. Isa siyang cheater.

Ang effort ay para lang sa mga taong marunong maka appreciate nito.

Bakit ka mag bibigay ng effort na hindi naman niya na appreciate?
Ano yun taken for granted? Hindi sa sinasabi kong isumbat lahat ng bagay na ginagawa. Pero wag naman sana maging tanga. Hindi niya gagawin sayo yun kung hindi ka mahalaga. Hindi bat oras na nga niya ang ibinigay niya? Hindi mo alam kung ano ang likod sa dahilan nang pag sama sayo. Hindi mo ba alam na may mga taong gusto rin siya makasama pero ikaw ang pinili niya kasi mahalaga ang araw na iyon dahil ikaw ang kasama niya?
Marami satin ang nagiging manhid.
Hindi ako naniniwala sa quote na ” Walang taong manhid, hindi mo lang sinasabi ang sakto mong nararamdaman “.
May mga bagay na obvious na.
Kinakain tayo ng sarili nating kapansanan. Mga nagiging bulag sa damdamin. Bingi sa mga bagay na sinisigaw nang puso. Nagiging pilay tayo dahil hindi tayo marunong mag tiwalang may handang sumaklay sayo at umalalay.
Bakit? Bakit? Anong problema? Wag lahatin ang kalalakihan. Dahil hindi lahat ng lalake ay pareho ang magulang. Iba ang mga pinag aralan. Iba ang mga kinalakihan.
Bakit lagi na lang masama ang imahe ng mga lalake sa babae pag dating sa break ups? Hindi bat minahal mo rin at may ginawang mabuti sayo?
Ang nagiging irony kasi
” Sa isang kasalanan lang, kaya nitong burahin ang napakaraming magandang bagay na ginawa ng isang tao “

Pag Move on.

Ito na nga ba ang pinakamahirap na proseso sa buhay pag-ibig ng isang tao? Sa tingin ko mas mahirap ang maghanap ulit ng bagong mamahalin, sa tingin ko mas mahirap maghanap ng bagong pagkakatiwalaan.
Ang pag move on eh madali lang hanggat tanggap mo na ang nangyari, ang masama neto eh hindi ka handa, ang masama dito ay mahal mo pa talaga. Pero ano ang gagawin mo kung wala na talaga? Hindi bat ito ay tanggapin na lang ang lahat ng nangyari? Paano kung ipaisip ko nalang sayo na kung umpisa palang eh mahal ka talaga niyan edi sana hanggang ngayon masaya ka at hindi ka niya iiwan.
Nabuhay ka ng wala siya dati, hindi pa katapusan ng mundo. Oras na siguro para pagbigyan mo naman ang puso mo magpahinga, samahan mo ang iyong barkada, nasa kanila ang susi ng kasiyahan mo. Hindi mo kailangan mag mukmok sa loob ng kwarto at isipin lahat ng nangyari sa inyo, hindi solusyon ang maging mag isa. Kailangan mo ng kasama sa buhay para malagpasan yan. Lagi mong tatandaan na hindi lang ikaw ang nakakaranas niyan.
Mas marami pa tayong dapat problemahin kesa diyan. Kung hindi ka pa tapos ng pag-aaral, gawin mong inspirasyon ang nangyari sayo, mas madaling maghanap ng taong mamahalin kapag nakatapos ka na. Masyadong pang maaga sayo para pasukin ang isang relasyon na hindi mo alam kung saan tutungo.
Madali ang mag move on.. Basta tandaan mo na dapat handa ka lang sa sarili mo at tanggap mong wala na ang lahat sa inyo.

Muntik na kaming madisgrasya. Nakakaba, nakakapraning, umakyat akong mainit ang rooftop, nagtataka ko at hindi naman ganun kainit ang sinag ng araw, nagulat ako iihi sana ako sa banyo malapit sa lutuan. Pagkakita ko, “Putang-ina! Bukas yung kalan! Sino nag-iwan? patuloy na gumugulo sa aking isipan. Natakot pa akong patayin ito, dahil sa takot na baka ito ay sumabog. Gusto kong magpasalamat at bigla kong naisipan umakyat ng walang dahilan, may banyo naman sa kwarto ko, pero bakit hindi ako umihi don? Para bang wala ako sa sariling umakyat at nagising nalang ako mismo kung saan may muntik nang trahedya. Iniwan kasi kami ng mga kaibigan ko ni Mama at ni Papa, sabay sabay kami nagising pero nakatulog ulit. Sobra kong kinabahan kanina talaga, buti walang masamang nangyari. Dumating si Mama kasama ang kapatid ko, bigla kong sinumbong ang nangyari sa taas. “Ma!! Yung frying pan sa taas tuklap yung teflon! Nagbabaga nung pinatay ko yung kalan tsk tsk tsk”. Parang batang pinapagalitan ng anak nilang panganay. Tinawagan niya si Papa, at si Papa ang may sala, nagtatawanan kami dahil naisip namin na kung ibang tao ang nakagawa nun eh sigurado akong daig pa ang sumabog na kalan ang galit nito. Pero walang magagawa padre de pamilya eh. Naging lesson na sa akin mismo na ako ang mag take in charge sa bahay kapag wala sila, lalo na yung Kalan. Source: matabangutak 18 May 53 Permalink Iba pa rin ang nakatapos na may diskarte sa hindi nakatapos na may diskarte. - Matabangutak (via tamblingkamuna) Source: tamblingkamuna 18 May 59 tamblingkamuna Permalink matabangutaktruethanks ulit!:)akalain mong nasabi ko tong bagay na to hahahaty I don’t get it why some people are ATHEIST. How can they not believe in anything? There has to be something, if not God. - (via edangeheh) Source: edangeheh 18 May 39 edangeheh Permalink Thoughtsthis Ibang iba ang buhay kapag may karelasyon ka. Hindi mo na magagawa yung mga dati mong ginagawa, Hindi ka na pwedeng magpuyat, dahil may magagalit na sayo, may concern na sa kalusugan mo. Dati wala kang inaalala pero ngayon, bawat galaw niya gusto mong malaman, gusto mo lagi kasi safe siya. Mag eeffort ka na sa isang tao para maging masaya, ibang-iba na sa buhay mo dati na tahimik lang. Kailangan mo nang mag paalam kung aalis ka, kapag hindi ka pinayagan, kawawa ka naman. Lagi kang inspired, ang sarap gumising sa umaga na may nagmamahal sayo, tutulog ka sa gabing may nanlalambing sayo. Iba pa rin pala kapag may karelasyon. Doble ang saya kesa mag isa. Bakit ko nasabi ito? Dahil kaya lang naman sinasabi ng iba na masaya maging single, dahil walang pipigil sa mga gusto mong gawin, masyado pang maaga. at marami pang iba. Ang kailangan mo lang naman kasi yung magtitiwala sayo na hindi mo gagawin ang mga hindi dapat gawin e, na hindi mo siya hahayaang magselos dahil lang sa mga simpleng bagay na gagawin mo. Huwag kang matakot magmahal, huwag kang mamili sa gusto mo, minsan kaya ka nawawalan at nauubusan lahat na lang ata ng magagandang ugali gusto mo nasa package na nang isang tao. Ok na yung mabait at mamahalin ka ng buong ikaw, at kahil kailan hindi magbabago sayo. Source: matabangutak 18 May 243 matabangutak Permalink theskullcandiii Ito ay queued post na lamang, sinakto ko lang sa oras ng dapat na tulog na talaga ako. Salamat sa mga nagsasabing nagsisilbi akong inspirasyon para gumanda ang blog nila, salamat sa mga finollow ko na sobrang nag TA para ipaalam na sobra silang masaya. Ewan ko kung bakit sila masaya, eh normal lang naman ako na follower na tulad ng iba. Siguro kanila na lang yung dahilan na yun. Maraming salamat sa araw na ito. Sa a4kada na walang humpay na nagpapatawa sa araw araw ko at sa gf ko. At sa lahat ng taong nagbabasa ng posts ko. Maraming salamat, saludo chip! Ito ay queued post na lamang, sinakto ko lang sa oras ng dapat na tulog na talaga ako. Salamat sa mga nagsasabing nagsisilbi akong inspirasyon para gumanda ang blog nila, salamat sa mga finollow ko na sobrang nag TA para ipaalam na sobra silang masaya. Ewan ko kung bakit sila masaya, eh normal lang naman ako na follower na tulad ng iba. Siguro kanila na lang yung dahilan na yun. Maraming salamat sa araw na ito. Sa a4kada na walang humpay na nagpapatawa sa araw araw ko at sa gf ko. At sa lahat ng taong nagbabasa ng posts ko. Maraming salamat, saludo chip! Source: matabangutak 18 May 46 Permalink theskullcandiiia4kadaqueued Etiquette Tips 101. (Pag gamit ng headphones/earphones) Kapag may kasama kang babae o kahit na sinong kaibigan, alisin mo ito bilang pag galang sa kanya. Nakakabastos kasi ng naguusap kayong dalawa tapos may headset ka. Alam sana ang respetong ito kapag may kasama, para respetuhin ka rin ng kasama mo. Kahit na sabihin nating hindi ito pinapansin ng taong kasama natin eh iba na yung ikaw na mismo ang nagkukusa. Kapag nakita niyang nagtanggal ka ng burloloy sa tenga eh mapapansin niya ang pagrespeto mo sa kanya. Walang pinipiling kasarian ito kung mapa babae o lalake, mapa minamahal mo o kaibigan mo man ito. Ang pag tanggal ng burloloy sa tenga eh simbolo ng handa kang makinig ng kahit na anong bagay na magmumula sa bibig niya. Source: matabangutak 18 May 96 Permalink matabangutak tips Hindi sana ako magagalit sa kanya, kaso sinaktan niya pala yung taong mahal ko. Source: matabangutak 18 May 59 Permalink wd I love you, Mahal kita.

Ito yung madalas na sinasabi kapag wala ka nang masabi sa taong mahal mo, ayaw mong putulin ang pag-uusap niyo dahil umaasa kang madadagdagan pa ang pag-uusap niyo, gagawa ka ng paraan para hindi  ka maubusan ng topic makausap lang siya araw-araw.
Kapag walang wala ka nang masabi bigla mo na lang tatanungin kung kumain na siya, minsan nakakalungkot na kung sino pa yung taong siniseryoso at sobra mong minamahal, sa kanya ka pa nawawalan ng topic. Pero yung mga taong nakapalibot sayo eh dun pa marami ang kwento.
Patuloy na magmimilagro ang katanungan na “Bakit ganun?” minsan talagang mapapatanong ka ng husto, kahit anong isip mo na pwedeng pagusapan eh hindi mo maipasok, minsan maiinis ka na lang na gusto mo pa siyang kausap eh wala ka na talagang mabubuga.
Ganito nga siguro talaga kapag seryoso ka na sa isang tao, ang tanging alam mo na lang eh mahalin siya at hayaan mo na lang puso niyong dalawa ang mag usap sa bawat isa.

Ibang iba ang buhay kapag may karelasyon ka.

Hindi mo na magagawa yung mga dati mong ginagawa,
Hindi ka na pwedeng magpuyat, dahil may magagalit na sayo, may concern na sa kalusugan mo.
Dati wala kang inaalala pero ngayon, bawat galaw niya gusto mong malaman,  gusto mo lagi kasi safe siya.
Mag eeffort ka na sa isang tao para maging masaya, ibang-iba na sa buhay mo dati na tahimik lang.
Kailangan mo nang mag paalam kung aalis ka, kapag hindi ka pinayagan, kawawa ka naman.
Lagi kang inspired, ang sarap gumising sa umaga na may nagmamahal sayo, tutulog ka sa gabing may nanlalambing sayo.
Iba pa rin pala kapag may karelasyon. Doble ang saya kesa mag isa.
Bakit ko nasabi ito? Dahil kaya lang naman sinasabi ng iba na masaya maging single, dahil walang pipigil sa mga gusto mong gawin, masyado pang maaga. at marami pang iba.
Ang kailangan mo lang naman kasi yung magtitiwala sayo na hindi mo gagawin ang mga hindi dapat gawin e, na hindi mo siya hahayaang magselos dahil lang sa mga simpleng bagay na gagawin mo.
Huwag kang matakot magmahal, huwag kang mamili sa gusto mo, minsan kaya ka nawawalan at nauubusan lahat na lang ata ng magagandang ugali gusto mo nasa package na nang isang tao.
Ok na yung mabait at mamahalin ka ng buong ikaw, at kahil kailan hindi magbabago sayo.

ASSUME.

Maraming tao ang nagkakamali sa larangan nang pag-ibig dahil sila ay nagiging ASSUMING.
Mahirap mag assume sa isang taong hindi mo naman talaga alam ang tunay na nararamdaman.
Mahirap mag assume kung ang babae/lalake na minamahal mo ay pare-pareho ng trato sa inyo.
Dito nasasaktan ang isang tao, inaasahan niya kasi ang isang bagay na kahit kailan ay hindi mabibigyan ng liwanag, pag-ibig na hindi mabibigyan ng hustisya.
Hindi kasi porket nilalambing ka ng isang tao, eh gusto ka na nito. May mga taong ugali lang talaga nilang maging ganun.
At kung sa akala mong sayo lang siya ganyan. Mag-isip ka, tumingin ka sa paligid, pagmasdan mo ang mga kinakausap niya, matuto kang mag imbestiga, para sa huli hindi ikaw ang kawawa.

Disadvantage ng LDR.

  • Kapag may sakit hindi mo man lang mapuntahan.
  • Kapag miss niyo na ang isat-isa malabo pa rin kayo magkita.
  • Minsan kailangan talaga magsama para mayakap man lang ang isat-isa.
  • Sa oras na may problema, hindi mo siya mahahagilap kung saan.
  • Hindi mo siya basta-basta mapupuntahan kapag may nangyaring masama.
  • Lagi mong iisipin yung mga taong nakapalibot sa kanya.
  • Minsan kakambal na nito yung selos sa taong mga nakakasama niya.
  • Kapag monthsary/anniversary, sa cellphone/internet lang kayo mag cecelebrate.
Ganun pa man, hindi siya disadvantage actually. Isa siguro itong pagsubok na mawawala rin sa pagdating ng panahon. Mga pagkakataon na dapat hinihintay, mga pagkakataon na hindi dapat minamadali.
Dahil kapag mahal niyo ang isat-isa. Makakagawa kayo ng paraan para magkita. Makakagawa kayo ng paraan para mahalin ang isat-isa.

Pag-ibig ng mga kabataan ngayon.

Sa tingin ko malaki ang naging kontribusyon ng teknolohiya sa mga tao ngayon, lalo na sa mga kabataan na sobrang galing pag dating sa teknolohiya ngayon. Lalo na pagdating sa komunikasyon, lalo na sa mga mapaglarong isip ng mga kabataan.
Kung walang teknolohiya ngayon sigurado akong 21 years old maguumpisa magligawan ang mga batang ito, bakit? Eh syempre doon lang magkakalakas ng loob manligaw ang lalake sa babae dahil sa edad na yun eh siguradong tapos na siya at baka may trabaho na at may maipagmamalaki na siya sa magulang ng babae.
Naalala ko lang dati na ang tanging pinoproblema ng mga babaeng kabataan dati eh kung ano ang pipiliin nilang bag kung Hello Kitty ba o Barbie. Ngayon sa edad na 11 years old hanggang 14 years old eh pag-ibig na ang pinoproblema nito.
Hindi na ko magtataka bakit biglang lumabas ang RH Bill dahil nga sa mga unwanted pregnancies na yan. Dahil nga sa maagang natutukso ang mga bata at laging nandiyan lang ang internet para makahanap ng kani kanilang pantasya eh hindi na nakakapagtaka na ganito na nga ang nangyayari sa ating henerasyon ngayon.
Totoo namang walang pinipiling oras ang pagmamahal, pero sana alam nila ang tamang edad at tamang panahon para dito, nakakalungkot kasi makita na sa murang edad eh nasasaktan na agad sila, imbis na nakikipaglaro lang sila sa kalsada eh nagsisimula na silang ma depressed dahil sa iniwan sila ng taong mahal nila.
Hindi rin natin sila masisi, kung nagabayan rin sila siguro ng magulang nila hindi rin sana sila magiging ganun, kung na disiplina ng mas higit pa sa pagdidisiplina nila ngayon sa mga anak nila eh siguro maaring maiwasan pa.
Siguro nga eh may alam na sila pag dating sa pagmamahal, dahil sa may nabasa silang love story at marunong na silang umintindi ng tagalog o english, pero iba parin kapag nasa tamang edad ka na, makaka diskarte ka ng tunay at totoo.
Huwag mamasamain ng mga kabataan na nakakabasa nito ngayon, maaring may magagalit pero isa itong tulay at kaalaman na maaring makatulong sa pag-iisip at pag dedesisyon sa buhay mo.
Muli.. Ito ay opinyon lamang at hindi dapat seryosohin, pero ito galing sa puso at isipan na nakikita ko sa bawat taong nakikilala ko.

Kapag totoong ginamit ang puso, hindi na kailangan ng mga salita kasi kahit tahimik ito naririnig natin ang pagmamahal. Dahil ang tadhana ang nagbibigay sa atin ng taong dadating at magmamahal sa atin at ang puso ang magpapasya kung sino ang mananatili sa huli.