Huwebes, Hunyo 23, 2011

Teen-age Life

Bilang isang teen-ager, alam ko ang pasikot-sikot sa buhay na ‘to. Maaaring hindi ko maibigay ang iba ngunit meron akong alam pagdating dito.

Narito ang ilan sa cycle o kaya’y nararansan o nararamdaman ng isang teen ager.

Curiosity - Ito ang unang mararamdaman mo pagpasok mo ng teen age life. Nandyan ang pagkalito sa pagkatao mo, nandyan ang pagkalito sa mga bagay-bagay na nakapaligid sa’yo. Hindi mo naman magawang maitanong sa’yong mga magulang dahil natatakot ka at baka hindi nila magustuhan ang ‘yong tanong. Kaya madalas, kapag naco-confuse sa isang bagay, lumalapit sa barkada at mga kaibigan. Nagiging mapusok ang bawat galaw, gustong masubukan ang mga bagay na hindi pa naman dapat maranasan ng isang teenager tulad ng mga bisyo, pag-inom ng alak, pag hithit ng sigarilyo, pagamit ng bawal na gamot, at higit sa lahat ang pakikipagtalik. Nakakatakot lang kapag hindi napigilan o hindi nakontrol ng isang teenager ang pagkaka-confuse nya sa isang bagay.
Naghahanap ng atensyon - At dahil isa kang teenager, kailangan mo ng mga atensyon galing sa’yong mga magulang, which is madalas hindi mo nararansan lalo na kapag mayaman at business man ang magulang mo dahil busy. Kaya ang dating nyan, sa barkada ka maghahanap ng atensyon, sa kaibigan. Minsan sa school, iba ang ugali mo sa bahay at iba rin dito. Mapapansin din ‘to ng mga guro dahil tatanungin ka kung bakit ka ganyan. At malalamang dahil ‘to sa pamilya nyo. Makakahanap naman ng pansamantalang atensyon sa barkada, nandyan sila kapag kailangan mo. Pero mas maganda pa rin sana kung maihandle mo ng maayos ang ugaling ganito.
Sobrang barkada - At kapag walang nahanap na atensyon sa magulang o kahit kanino, unang takbuhan ang barkada. Barkada lang kase ang madalas na free. Madalas na nakatambay lang dyan sa tabi. Maaaring nakakatulong sila ngunit hindi sa lahat ng oras. Tingnan mo rin kung hindi na tama ang sinasabe o naiimpluwensyahan ka na nila ng mali. Madalas kase na ang barkada ang nagtuturo sa’tin na maging gago, tarantado, nagtuturo ng mga kalokohan. Dito rin unang natututunan mag bisyo. Tandaan na lahat ng sobra ay masama.
Papatunayan ang sarili - At dahil isa kang tao na kahit pa’no ay may paninindigan at may pinanghahawakan sa buhay, meron ka ring gustong patunayan. Patunayan sa magulang, sa barkada, sa lahat ng taong nakapalibot sa’yo at higit sa lahat sa sarili mo. Sinasabe mo na papatunayan mo na mali ang sabi nila, na ganito ganyang uri ka ng bata. Magpupursige ka para mapakita na mali sila. Ngunit bago ‘yun, kailangan mo munang mapatunayan sa sarili mo na kaya mo.
Inuman, alak, lipas sama ng loob - Madalas na inuman at alak ang madalas mong ka hang-out kapag may problema ka. Problema sa pag-ibig, problema sa pamilya, problema sa kahit anong bagay na pwedeng problemahin. Dahil kapag kasama ang alak, nagiging malakas ang loob ng isang tao para sabihin ang nararamdaman at problema nya. Kasama dito ang mga barkada. Sila ang mga instant taga-payo. Depende nalang sa’yo kung pakikinggan mo ang mga ito.
Puppy love - Hindi pa dapat masyadong iniisip ngunit sadyang nandyan lagi ang pag-ibig para dagdagan ng kulay ang buhay teenager. Yung iba nagkakaroon ng kasintahan ngunit sandali lang, dahil hindi pa nila alam ang tunay na halaga ng pagkakaroon ng isang relasyon. Laro-laro pa ang ilan sa pag-ibig. Pero yung mga iba, seryoso na talaga. Masyadong seryoso kaya minsan napapabayaan na ang pag-aaral. Marami at mahaba pa ang tatahakin ng mga teenager na katulad ko kaya wag munang seryosohin ang mga darating na relasyon, i mean magtira ng pagmamahal sa sarili. Di muna pumapasok ang pagsu-surrender ng sarili sa karelasyon.

Hindi ko man naibigay ang lahat ng karanasan dito, may susunod pa. May part two pa siguro. Gusto ko lang sabihin na kailangan nga naman nating intindihin ang mga teenagers pero kailangan din nilang maging disiplinado sa mga bagay-bagay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento