1.Maaring nakakaantok magturo ang professor. - dahil sa style niya ng pagtuturo, marahil napaka oldies ng pagtuturo niya, maaring puro pareport ang ginagawa niya, pwede rin namang nakaantok ang boses niya, posible rin pumasok dito ang aura niya bilang professor na nakaantok talaga, pwede rin sa sobrang tahimik ng klase. Maraming paraan para antukin.
2. Hindi ka interisado sa subject. - Isa pa itong problema, minsan hindi ka interisado, madalas mong isipin kailangan ba to sa trabaho ko sa dadating na panahon? Marami kaya akong mapapala kapag sineryoso ko to? Masyado na kasing naka mindset sayo yung salitang, MINOR lang naman yan eh, pwes kung baguhan ka palang tandaan mo na mas maarte pa ang MINOR na subjects na yan.
3. Napuyat dahil sa TV - Dahil mahilig kang manuod ng TV simula alas siyete eh nakaupo ka na dahil nanunuod ka ng Telenovela sa Kapamilya Network o kaya naman ng mga palabas sa Kapuso at Kapatid Network, dahil inaabangan mo ang mga singkit na tao na lumabas sa telebisyon, handa ka na ulit para kiligin at makipagkwentuhan sa mga kaklase mo kinabukasan, yun nga lang ang problema antok ka sa klase.
4. Maraming Projects, Assignment, Reports, Plates, Powerpoint Presentation, Thesis - Hell ang highschool? Inferno naman ang college kapag dumating ka na sa punto ng nagsabay sabay ang professors mo nagbigay ng reports, quizzes at dahil diyan kailangan mo pang mag review, pero ano ginagawa mo? Minsan hindi mo maalis ang computer sa sarili mo, mag cocomputer ka ng ilang oras tapos hindi mo pa pala natatapos yung ginagawa mo. Kailangan mo pang pagandahin ang powerpoint presentation mo dahil sa i dedefend mo ang thesis mo. Isama mo pa ang mga walang sawang professor na nagpapa Assignment ng isang buong Chapter. Cool! makiki RAKENROL na lang ako kay KikoMachine.
5. Ikaw ang may kasalanan. - Bakit ikaw ang may kasalanan? Papaano pinuyat mo ang sarili mo para makipag i love youhan sa karelasyon mo, makipagkiligan at makipagpalitan ng cheesy lines sa crush mo, o kaya naman computer ka ng computer, o sige idamay mo ang tumblr, isama mo na ang facebook at ibat-iba pang social networking sites na masisisi mo. Isa sa mga dahilan bakit ka inaantok dahil kulang ka sa tulog. Kulang ka sa disiplina sa sarili mo, umpisahan mong matulog ng maaga, kapag pinipigilan ka ng mapanuksong aura ng computer, i shutdown mo ito, edi tapos, patay ang computer, makakatulog ka na ng maayos, YEHEY! Palakpakan.
“Maaring kaya mong magising, ang tanong dito kaya mo bang i kunin lahat ng impormasyon na maaring ituro sayo ng guro habang antok ka sa loob ng klase? Sa tingin ko hindi..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento