Huwebes, Hunyo 23, 2011

Dear Ulan,

May tatay si Mary na may limang anak.

Si

Nana, Nene, Nini, Nono,

Sino yung pang limang anak?

Icebreaker sa malamig na panahon.

Kunwari isa kang kriminal, at hinahabol ka ng mga pulis para patayin dahil sobrang bigat ng kaso mo.

Tapos may nakita kang tatlong kwarto.. Ano ang pipiliin mo?

Ang unang kwarto pag bukas mo, NAGLILIYAB AT NAGLALAGABLAB NA APOY!

Ang pangalawang kwarto pag bukas mo, puro Ninja na maraming nakakamatay na armas, kaya nilang patayin ang kahit na sino man ang humarang sa kanilang dadaanan!

Ang pangatlong kwarto naman pagbukas ay, MGA LION na tatlong taon ng hindi nakakakain! Tipong pagpasok mo eh sasakmalin ka at kakainin ng walang awa!

Anong kwarto ka? At bakit?

Reply? TA? Answer? Ikaw ang bahala. Ok?

Source: matabangutak
Masarap mag-aral sa eskwelahan, kapag hindi malakas ang ulan.

Source: matabangutak

Sana isama nila ang college students kung mag susupende sila ng klase, hindi naman kami waterproof. Nababasa at nagkakasakit rin kami tulad ng estudyante ng highschool at elementary, parehas lang naman kaming humihinga, parehas na nalalamigan.

Parehas lang kami na pumapasok sa Paaralan, parehas lang kaming nasa Pilipinas, bakit kapag College Students eh hindi niyo isama diyan? Maiintindihan ko bakit kailangan pumasok nung mga taong may trabaho, kasi binabayaran sila ng arawan ng mga kumpanyang pinapasukan nila, kaya mga bulilits, ayan yung ma mimiss niyo kapag hindi na kayo pumapasok at nagtatrabaho na lang kayo.

Source: matabangutak

Dear Ulan,

Kahit kailan hindi kita maiintindihan, ano ba ang mali? Ikaw o yung araw ng pasukan? Dapat nga bang ilipat ng September ang pasukan gaya ng napaguusapan ngayon sa kongreso?

Ewan ko ba sayo ulan, ang hilig mong sumulpot kung kelan pauwi na kaming mga estudyante, tapos ang hirap sumakay, tapos kahit may payong kami nababasa pa rin kami. Alam mo bang pinapahirapan mo kami?

Bakit hindi ka dumating noong bakasyon namin? Yung mga araw na sobrang init at gusto lang namin magpahinga, dapat dun ka lumabas, para masarap matulog sa gabi ng walang inaalalang pasok kinabukasan.

Sa susunod magsabi ka at agahan mo ng onti ang dating ha?

Nagmamahal,

Basang Estudyante.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento