Huwebes, Hunyo 23, 2011

Tandaan mong wala kang pagsisisihan na ginawa mo ang isang bagay basta masaya ka.

Bakit mo pagsisisihan? Eh naging masaya ka nga.

Tulad sa pag-ibig, bakit mo pagsisisihang minahal mo siya? Eh naging masaya ka rin naman kahit papano sa piling niya diba? May pagkakataon lang talaga na minamalas ka, tipong na bola ka habang nanliligaw siya.

Pero tandaan mong huwag na huwag mong sisiraan yung taong nanloko sayo, bakit? Eh kasi kapag sinabi mo ang lahat ng kasuklam suklam na ugali niya sa mga kaibigan mo, ano ang iisipin ng kaibigan mo? Syempre, edi yung pumatol ka pala sa taong ganun ang ugali?

Alam kong hindi maiiwasan, pero syempre iba na rin yung iniisip mo muna yung mga bagay na gagawin at sasabihin mo sa mga taong nakapalibot sayo.

Hindi bat mas maganda kung sabihin mo na lang na

“Oo, minahal ko yun, minahal din niya naman ako, kaso hindi naging ok, nagkamali lang ata kami sa isat-isa, pero masaya naman at least nagkasubukan kaming dalawa diba, nalaman ko yung totoo kung ano ang tunay na ugali niya, tama?”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento