Huwebes, Hunyo 23, 2011

Kung sino pa ang may mga itsura, sila pa ang nawawalan ng karelasyon.

Alam niyo ba kung bakit?

Siguro, sa aking opinion, dahil alam nilang makakahanap ulit sila, alam nilang madali lang silang makakahanap dahil sa may itsura sila, hindi naman nila maitatanggi yun dahil nakikita nila ang sarili nila sa salamin.

Siguro may pagkakataon na walang nanliligaw sa mga babaeng magaganda dahil sa takot ang mga lalake na baka high maintenance ang mga babaeng ito.

At kapag naman sobrang gwapo ng lalake eh napagkakamalang malambot ito.

Hindi sila takot mawalan, sila yung laging nasasaktan at bihira yung mga magkakarelasyon na maganda at gwapo, bihira daw yung perfect match na ganyan. Kasi parehong nagkakaproblema sa isat-isa lalo nat selosa yung isa.

Nagiging magulo ang buhay pag-ibig nila dahil sa nagiging maeksperimento sila sa mga sarili nila, kanya kanyang sindak ika nga. Kapag nauna kang masindak ng isa, lagot ka. Ikaw ang lalabas na kawawa, ikaw yung taong takot maiwan niya. Minsan kasi kapag sobra o overrated na ang gwapo/ganda ng isa eh tumataas ang pride nito, minsan gusto niya maging superior ng relasyon. Na hindi naman maari dahil dapat ang dalawang taong nasa relasyon eh pantay pantay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento