Huwebes, Hunyo 23, 2011

Mortal Sin ng Isang College Student #1

Kickback sa mga nabibiling Libro.

Marami ata ang ganito, sige isama mo na rin ako dito, ito na lang ata ang pag-asa ng isang estudyanteng maraming pangangailangan sa buhay, sapat na siguro ang pag kickback ng 100 pesos sa bawat isang librong bibilhin mo, swerte mo pa kapag hindi hiningi ng magulang ang resibo ng binili mong libro.

Ito ang tinatawag na EXTRA INCOME ng mga mauutak na magaaral, kahit na sabihin ng ibang mababait na kaibigan na kasalanan ang pagkikick back at pagnanakaw ang ibig sabihin nito eh sadyang manhid ng onti itong si estudyante dahil minsan lang naman daw yun at bibili pa siya ng ibang gamit o kaya naman pambaon sa mga susunod na araw pa.

Kanya kanyang diskarte para magkaroon ng pera sa kolehiyo, bukod sa maraming gastusin sa pang sarili o kaya naman sa mga lakad lakad ng mga kaibigan eh minsan kinakailangan talaga ng pera na galing sa kickback na galing sa mga librong ito. Tandaan mong kasalanan ang pagkikickback kaya nga MORTAL SIN eh.

Sinasabi ng iba na ayos lang daw ito at wala naman daw perpektong tao. May dahilan nga naman. Pero masama pa rin. Bleh.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento